Magsisilbing host ang archdiocese ng Caceres sa Bicol region para sa pagdiriwang ng National Youth Day (NYD) sa 2021.
Inihayag ito ni Bishop Leopoldo Jaucian, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on Youth sa pagtatapos ng NYD 2019 na ginanap sa Cebu City Sports Center kahapon.
Sakop ng Archdiocese ng Caceres ang mga probinsya ng Camarines Sur, Naga City at munisipalidad ng Gainza sa Bicol region.
Umaabot sa 12,000 kabataan ang nakiisa sa NYD 2019 sa Cebu kung saan kasamang nakilakbay sa mga delegadong kabataan ang replica ng Santo Niño De Cebu.
Tiwala ang Simbahang Katolika na magiging katuwang nila ang kabataan para ipalaganap ang misyon ni Hesus.
Sa pamumuno ng Arcdiocese ng Cebu, nagsimula ang NYD 2019 noong Abril 23 hanggang kahapon.
Mahalaga ang nasabing pagtitipon dahil bahagi ito ng paghahanda ng Simbahang Katolika ng Pilipinas sa ika-limang sentenaryo ng Kristiyanismo sa bansa sa 2021. (Mia Billones)