Tigalawang gold medals sa archery at sepak takraw ang aasintahin naman ng Filipinos ngayong araw.

Babawi ang national archers na ­naka-isang silver at tatlong bronze lang noong 2015 sa Singapore. Nag-training pa ang mga ito sa US National­ Archery sa Utah, lumahok sa ilang torneo sa California.

“Gusto naming makauwi ng ginto this time,” giit ni coach Clint Sayo.

Pangungunahan ni Singapore SEAG silver medalist Amaya Paz-Cojuangco ang women’s compound team, kasama sina Abbigail Tinduggan, Jennifer Chan at rookie Kim Concepcion.

Sasabak na rin sa men’s individual compound eliminations sa KL Sports City sina Earl Yap, Joseph Vicencio, Niron Brylle Concepcion at Paul Marton dela Cruz. Umaasa rin si Sayo kina 2014 Nanjing Youth Olympic Games gold medalist Gabriel Moreno at ­veteran Florante Matan sa men’s ­recurve.