Arci binuking ang pambababae ni Kean

Napaamin ni Vice Ganda si Arci Muñoz kung ano dahilan ng paghihiwalay nila noon ng ex-boyfriend na si Kean Cipriano.

Katwiran ng aktres, matagal naman na umano ang nangyaring break-up at friends na sila ni Kean at ng asawa nito na si Chynna Ortaleza.

Aniya, “Tagal na ‘yun tsaka tropa-tropa na kami … Oo, pati si Ate Chynna.”

Nang tanungin naman kung may komunikasyon pa sila, sey niya, “Wala nga, hindi ko nga ata pina-follow ‘yun sa social media.”

Diretsahan niyang sinagot na “chicks” ang dahilan ng hiwalayan nila ng ex-boyfriend.

Nag-sorry naman siya kay Kean na nabanggit niya pa ito. Sey niya, “Tagal na nu’n, Oy sorry Kean.”

Marami pang kaganapan sa episode dahil pinili niyang hindi sagutin kung sino ang bad kisser sa mga naka-on screen partner niya. Sa huli ay napakain siya ng lollipop sa paa ng komedyanteng si Pettite. (Rona Ronda)