DAHIL nalalapit na ang pagtatapos ng I Can Do That, todo na rin ang kyeme latik machinery na kesyo close na close na sina Daniel Matsunaga at Arci Muñoz.
May best in paandar si Matsunaga a month ago na kesyo, “Arci’s a very beautiful girl. She’s very nice. We have the same show right now. We’re spending a lot of time together.”
May payanig pa itong, “Bagay ba kami?”
At nagpakarelihiyoso pa, “Well, I leave everything up to God’s hands.”
Juice colored, Daniel!
God has blessed you with so much — looks, height, smile at kahit sinong babae, gustong magpaanak sa iyo, except of course Heart Evangelista, na first major showbiz heart break mo, at si Erich Gonzales, the second major, major emotional upheaval mo naman.
Hindi pa ba sapat ang meron ka?
Dapat ba, may magandang babae lagi sa equation para feeling complete ka?
Siguro, kesa maging Master of Kiyeme Latik ka, ipagpatuloy mo ang Filipino language studies para mawala na ang Brazilian accent mo pag nagsasalita.
Most importantly, ipagpatuloy mo ang pag-aaral para maging mahusay na aktor.
Maging masipag at sumali sa mga acting workshops for TV, film at theater. Lagi ka dapat may acting coach.
Oo, you are so freaking nice to look at pero if you want to make a real mark sa showbizlandia, paghusayan mo ang pag-arte mo.
Gamitin mo ang dalawang major heartbreaks mo para mas maging makatotohanan ang iyong pagganap, lalo na in your dramatic scenes.
Ang pag-arte ay napapag-aralan, just like dancing, singing and hosting. Kailangan lang, committed ka to give your all and that you will always play for truth.
Ikaw ang last man standing sa most loved Brapanese Invaders kaya dapat mas masipag at mas matiyaga ka to improve on yourself and your craft.
Tigilan na muna ang kiyeme latik na harutan with Arci.
As if makakatulong sa pareho ninyong karera kung magiging romantic couple kayo.
STOP ME! Pigilan ako!