Arci feeling close kay Song Kang-Ho

Kabogera si Arci Muñoz, na nandu’n pala sa LA ngayon at may picture kasama ang Director of the Hour na si Bong Joon-ho ng “Parasite”.

May pics si Arci na nasa Academy Museum of Motion Pictures siya katabi ng isang giant Oscar statuette standee, tapos ay may kuha siya kasama si Bong at ang South Korean actor na bida ng “Parasite” na si Song Kang-ho.

“I greeted Mr. Kang-ho Song! Had a convo with him in Korean!! Oh was soo glad I took my Korean class!! Told him how much I love their movie!! He quickly grabbed me by the hand and introduced me to ze man!! #bongjoonho And so the next photo happened! Congratulations to #parasitemovie @parasitemovie making history today at the #oscars,” ang caption ni Arci sa kanyang IG post na ang daming nagulat at nainggit.

Walang kuha si Arci na nandu’n siya sa mismong event, so mukhang hindi naman siya um-attend ng Oscar awards night.

Posibleng sa after-party siya imbitado at doon niya nakita sina Bong at Song na nagse-celebrate after their historic win sa 92nd Academy Awards.

Si Bong Joon-ho ang tinanghal na Best Director para sa “Parasite” at nanalo rin ito ng Best Adapted Screenplay.

Wagi rin ang South Korean black comedy thriller ng Best International Film at ng much coveted Oscar Best Picture, making it the first non-English movie to win the award.

Si Song Kang-ho ang gumanap na tatay ng mahirap na Kim family sa nasabing pelikula, na naghakot ng maraming parangal kabilang na ang unang Oscar award ng South Korea.

Hindi namin sure kung bakit nandu’n si Arci at ka-rubbing elbows ang mga Koreano. Basta ang alam namin ay baliw-baliwan siya sa K-pop stars lalo na sa BTS at nag-aral talaga siya ng Korean language.

Ang taray, ‘di ba? From K-pop idols to “Parasite” stars ang mga ka-mingle ng hitad na Arci!

At base sa chika niya ay hinawakan daw siya sa kamay ni Song at saka ipinakilala kay Bong. Parang ang chummy nila, ‘di ba? Close?! Iba rin!!

A few days ago ay um-attend si Arci sa Hollywood For the Global Ocean Gala sa Beverly Hills na dinaluhan ni HSH Prince Albert II of Monaco.

May picture naman siya rito kasama ng kanyang ‘girl crush forevahh’ na si Michelle Rodriguez, na ang dami ring nainggit nang i-post niya.

Tarayyy ng mga paganap ni Arci Muñoz, ‘di ba? Huma-Hollywood!

Talbog!!!

Mga Pinoy filmmaker nabuhayan sa tagumpay ng ‘Parasite’

Ikinatuwa hindi lang ng Asian community sa Hollywood kundi maging ng mga Pinoy celebrities ang victory ng “Parasite” sa Oscars 2020.

Bilang fellow Asian ay natuwa ang local celebs sa pagiging big winner ng South Korea sa most prestigious award-giving body ng Hollywood.

Ang sabi ni Direk Joey Reyes sa FB, “The achievement of ‘Parasite’ as the Oscar Best Picture is a boost if not a triumph of Asian cinema”.

Si Direk Quark Henares (na producer na ngayon sa Globe Studios) ay nagsisigaw sa tuwa nang manalo ang hit Korean movie.

“For the first time since 1991’s ‘Silence of The Lambs’, my favorite movie of the year wins Best Picture. AND WE ARE SO. FUCKING. HAPPY. Go Bong! Go Korea! Go Asia! Go diversity! Go American Academy of Motion Picture Arts and Sciences! There is hope for you yet!” ang masayang shoutout ni Quark sa FB.

Tweet naman ni Direk Antoinette Jadaone, “‘Yung sigaw namin parang nung pumasok ‘yung game-winning shot ni Bal David for Ginebra huhu! BONG JOON HO SANA NARINIG MO!!!”

Sabi pa ni Direk Tonette sa Twitter, sobrang invested siya sa Oscars 2020 because it means a lot to Asian cinema and filmmakers, na sinagot ni Jerald Napoles ng, “Soooooobra direk…. Lumaki ang playground!! Dumami players… maraming magagandang pelikula ang ma shoshowcase. Kasama tayooo waaaaaaaaah!!!!”

Isa pang tweet ni Jerald, “P*T*NG *NA, history has been made! The game has been changed! The movie deserves it’s glory and all other Asian producers, actors and filmaker will benefit from this!! YAAAAAAAASSSS!!”

Si Jasmine Curtis Smith ay ni-retweet ‘yung video na ang sarap ng ngiti ni Bong Joon-ho habang hawak ang Oscar trophy nito at ang caption dito ni Jas ay, “One day, may ngingiti din satin tulad ng ngiti nya”.

Si Agot Isidro, ang tweet kahapon ay, “Dami kong feels!!! Nanalo ang ‘Parasite’! Quo warranto vs ABS-CBN! Airborne na ang nCoV! Litong-lito na ako wala pang 5pm, teka lang naman”.