Habang tumatagal ay lalong pinagpapantasyahan sa social media si Arci Muñoz. Kung ipangalandakan ang kanyang bikini body ay parang dumidighay lang s’ya.
Tila walang pakialam si Arci sa malamig na klima ng Florida. Nagbabakasyon siya kasama umano ang kanyang Chinese businessman boyfriend.
Isang magandang panoorin sa paningin ng kalalakihan ang hitsura ni Arci. Sino ba namang barako ang hindi maloloka o mababaliw kung ang mala-dyosang ganda at kaseksihan ang tatambad sa paningin nila nang libre. Ni hindi naman nila ito napapanood na naka-bikini sa kanyang mga serye.
Expression pa lang ng mukha ni Arci ay nakakaelya na.
Sa klase ng karisma at alindog ni Arci, malaking factor kung bakit nai-excite ang kanyang dyowa. Lagi siyang kinakaray sa mga luxury trips nila abroad. Ang tipo ng kagandahan ni Arci ay ginagastusan nang malaki.