Nilinaw ni Arci Munoz na hindi siya nakikiuso kina Maris Racal at Sue Ramirez. May ­common ­denominator kasi silang tatlo: pare-pareho ­silang hiwalay na sa kanilang dyowa at rumored ­boyfriend.
Nataon din na napla-play up ang hiwalayan blues nila with their exes umano dahil silang tatlo ay may entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino.
Sey pa niya, hindi raw pang-promo o pampaingay ng publicity ang naging hiwalayan nila ng businessman na si Anthony Ng. Pagkaklaro pa niya, hindi rin daw nila ito plinano o napag-usapan ni Maris na kasama niya sa teleseryeng Pamilya Ko.
Hindi rin daw niya masabi kung may chance pa silang magkabalikan.
Speaking of her role in Pamilya Ko, kahit ­hindi raw ito ganoon kalaki ,tinanggap daw niya ito dahil kaibigan niya si JM de Guzman na ­gusto niyang suportahan. Pagbibirong panumbat pa ni Arci kay JM, huling teleseryeng ginawa raw niya ay kasama si Piolo Pascual. (Archie Liao)