Ang sabi sa amin ni Jericho, kaya kiyemeng ayaw niyang maghubad ay dahil mas sexy sa kanya si Arci at mas may abs ito kesa sa kanya.

“Ang ganda nga ng katawan mo, eh!” hirit ni Arci sa leading man nito.

“Salamat. Crush mo ako?” kantiyaw rito ni Echo.

Crush nga ba ni Arci si Echo?

“Sino ba namang hindi magkaka-crush diyan?” nakangiting sagot ng dalaga.

Naging crush niya si Echo nu’ng panahon ng The Hunks, ganern?

“Mr. Pogi pa lang! Ha! Ha! Ha!” tawa ni Arci.

Kiyemeng reaksyon ni Echo, “Saktan mo pa ako!”

In all fairness to him ay parang iba ‘yung pagka-hot ni Echo ngayo­n na may asawa na siya. Ang guwapo pa rin niya at ang ganda ng katawan.

Sa edad niyang 36-anyos ay ang yummy at ang sexy niya pa rin. Kaya keri niyang maghubad-hubad.

“Mangingisda kasi, eh. So, ano naman kung laging nakatanggal ‘yung shirt?

“But more than ‘yung paghuhubad, mas malalim pa roon ‘yung istorya ng pag-iibigan na makikita n’yo sa amin dito ni Arci.

“Hindi lang siya basta magpainit tayo ng gabi. Mainit talaga sa isla, eh. Pero mas marami kayong­ dapat makita­ du’n sa layers ng karakter namin,”­ pakli ng premyadong­ Kapamilya actor.

Sa trailer ng Magpahanggang Wakas ay kita ang sexual che­mistry nina Echo at Arci, lalo na ‘yung maiinit nilang lampu­ngan na kinunan sa magandang isla ng Cara­moan.

Ani Echo, kailangang ipakita nila na inlab sila sa isa’t isa at dapat ilabas nila ‘yon. Kaya hinu­bad talaga nila ang mga hiya nila sa katawan.

“Mona (Ramona ang tunay na pangalan­ ni Arci) was trusting enough to let me do my thing. At ako rin naman, nagtiwala ako sa kanya na haplusin niya ang ­aking katawan,” naka­ngiting sey ng hunky actor.

Nu’ng first day nila, ang love scene nila ay sa duyan. Marami pang sumunod doon dahil sabi ni Echo, dalawa lang sila sa isla, so ano pang gagawin nila (kundi magchorvahan)?

Kuwento niya, wa­lang kaarte-arte si Arci sa love scenes. Siya pa ‘yung may kiyeme na takot siya sa tuwing nakikita niya ang flesh-colored underwear.

‘Pag inilala­bas na raw ‘yon, ibig sabihin ay may love scene na naman sila, so hinahagis niya ‘yon sa dagat.

‘Cowboy’ ang description ni Echo kay Arci, na ‘pag walang tent sa set ay nandu’n sa may kalsada at doon nagme-makeup.

At saka sobrang sport daw ni Arci, na kahit niloloko niya ito at binu-bully ay okey lang dito. Kaya naging kompor­table sila sa isa’t isa.

Parang chameleon ang isa pa niyang paglala­rawan kay Arci, na iba sa Camp Sawi at sa movie nito with Gerald, tapos ay iba rin sa teleserye.

Nasasapul daw nito ‘yung karakter at nakakasabay ito sa aktingan. Minsan lang ay nagboboses-Sto. Niño ito at mag-isang kinakausap ang sarili.

Sey ni Echo, ‘yun ang time na ume-exit silang lahat at pinagpi-pray over nila ito.

Sa September 19 ang simula ng Magpahanggang Wakas sa Kapamily­a Primetime Bida pagka­tapos ng Till I Met You at kapalit ng Born for You.

***

Jericho Rosales
Jericho Rosales

HUBAD na katotohanan­ ng pag-ibig ang tampok­ sa bagong Kapamilya­ teleserye na Magpahanggang Wakas na pinagbibidahan nina ­Jericho Rosales at Arci Muñoz.

Palagi ring nakahubad sina Echo at Arci sa maraming eksena dahil nasa isang isla sila at mangingisda ang role ni Echo.

Biro ni Arci sa presscon kahapon ng Magpa­hanggang Wakas, si Echo pa ‘yung parang ayaw maghubad, siya ay walang kebs sa mga ganu’ng eksena.

Tanggap ni Arci na parang laging may kasek­sihan ang mga karakter na ginagampanan niya.

“Sa lahat naman ng role na ginagawa ko, basta­ hiningi ng karakter, walang problema sa akin. Hindin naman siya ­bastos, eh.

“I don’t wanna be labeled (as a sexy star), but hinihingi ng role at ng ­istorya, alam ko naman­ na inaalagaan nila ako, why not? I know din naman my limitations,” bulalas ng 27-anyos na Kapamilya­ star.

In fairness ay ang ga­ling mag-comedy ni Arci sa dalawang movies niya (na parehong kumita) na Always Be My Maybe at Camp Sawi.

Meron din siyang ibubuga pagdating sa drama.
“I like doing both. Gusto ko ‘yung challenging roles, eh. Para lang balanse na from comedy, nagagawa ko rin ‘yung drama.

“Gusto ko talagang i-explore ang acting, eh. Pinu-push ko ang sarili­ ko.

“So, kung binigyan ako ng comedy at na­ging okey, ito namang drama­, sana okey rin,” sey ng ­tisay na dalaga, na halos lumuwa ang dibdib sa sexy red outfit sa presscon.

First time makapareha ni Arci si Jericho at hanga siya rito bilang aktor.

“Sobrang galing ni Echo and he makes me work harder, na paghusayan ko pa ‘yung acting ko and ­everything.

“Siya yata ‘yung pinaka-humble na artistang nakatrabaho ko. Sobrang humble, sobrang galing.

“Pagdating niya sa set, babatiin niya lahat. At saka very professional. This is a great privilege to be given this opportunity to work with great actors.”