HAVEY: Nang lumabas ang ­ratings ng Magpahanggang Wakas at Alyas Ro­binhood noong ­Monday, kitang-kita ang pag-ungos sa ratings ng teleserye ni Dingdong Dantes sa Mega Manila ratings at mukhang ka­i­langang pag-aralan kung bakit ito nakaalagwa.

Una, na­ging mas napapanahon ang isyu at reali­dad na tinatalakay ng Alyas Robinhood. At mukhang nakatu­long pa ang kontro­bersyang kinasang­kutan nito bago ume­re para mag-generate ng interes sa nasabing bagong aksyon hero.

Samantalang ang katapat nitong programa na sabay na ini-launch, bagama’t masasabi nating well-staged at parang pelikula ang feel ng teleserye nina Echo at Arci, ay merong feeling na dramang drama ang lahat.

Walang duda na magagaling ang cast ng Magpahanggang Wakas, kaya naman kailangang mag-aral at magsanay pa si Arci lalo na sa drama para makasabay kina Echo, John, Gelli at iba pang mahuhusay na cast members.

Nakabakasyon si Arci ngayon sa Dubai. Pagbalik niya, balik lagare sa kanyang teleserye at pelikulang Extra Service.

Walang kukurap! Mara­ming pagbabagong magaganap sa telebisyon. Exci­ting times indeed!

***

Singer-actress, bading magnet

09-28-2016-bading-magnetWALEY: Mistulang bading magnet ang tawag sa isang mahusay na Pinay singer-actress.

Sa isang pagtitipon kamakailan lang, naging tampu­lan siya ng tukso dahil ang ­unang nagparamdam sa kanya ay isang singer din na pinagdudahan ang gender.

At nang makasama niya sa isang proyekto ang isa pang male singer, pinagnasaan din siya nito pero nauwi ito sa pagiging mag-bestie nila.

Nang mag-concert naman sila ng isang napakahusay pang singer ay nagpalipad hangin din daw ito at namigay ng mga kung anik-anik na gifts.

Pero wala ni isa man sa mga singer na ito ang sineryoso ni singer-­actress dahil may bahid ang mga ito.

Ang nakakatawa rito ay ang tatlong singer na ito ay na-link din at one point of their lives at umeksena sa kanila ang isang kilalang closet personality na patron na ­lahat ng mga nagtatago.

Madaling hulaan ang singer-actress kahit ­hindi siya masyadong nakikita sa ating bansa.

Pero ang tatlong singer at ang ­closet personality — kilalang-kilala sila kahit magtago pa sila.

In fairness though, mababait at magagaling naman sila sa kanilang ginagawa, kaya kebs!!!

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.

One Response

  1. kulang sa lalim ang arte ni arci. body nya ready hindi ang acting. needing more workshops, pati delivery ng line at boses medyo pumipiyok sometimes. pag-aralan nya icontrol para effective. hndi puro paseksi.