IN fairness ay marami-rami kami sa sinehan nang manood kami ng Camp Sawi sa TriNoma.
Usually ay magbabarkada ang nanonood at tuwang-tuwa sila sa mga kalokahan at kaemowtan ng limang babaeng bida ng pelikula.
Benta sa amin ‘yung laughtrip na lasing moment nina Arci Muñoz at Bela Padilla sa may tabing-dagat, isang gabi na naisipang uminom ng dalawa.
Dahil parehong ngenge, sobrang nakakatawa ang usapan ng dalawa, na napunta sa pareho nilang pagkakaroon ng crush sa guwaping na Camp Master (Sam Milby).
Parang totoong may amats ang dalawa, kaya sobrang natural ng mga batuhan nila ng linya.
At sa pagkasenglot ng dalawa, pagdating ni Sam ay pinag-agawan nila ito.
Nang ihatid sila ni Sam pabalik sa cabana nila ay parang elyang-elya sina Arci at Bela, na hinuhubaran nila si Sam at pareho nilang gustong magpakeblag!
Wagi ‘yung eksenang ‘yon, in fair! Laugh kami nang bonggah!

Believable na pag-awayan ng mga hitad na female campers si Sam dahil guwapo ito at kaelya-elya.
Bidang-bida sa movie si Bela, na to be expected dahil siya ang sumulat ng story nito kasama ng kanyang nobyo at isa sa producers ng pelikula na si Neil Arce.
Si Dennis Trillo ang lalaking dahilan ng pagkasawi ni Bela, na iniwan siya after 10 years dahil hindi siya Chinese.
Si Arci ang pinakahavey ang timing sa comedy.
Pak na pak ang lasing-lasingan school of acting ni Arci, na ginamit niya rin before sa hit movie nila ni Gerald Anderson na Always Be My Maybe.
Pati kapag nagmumura si Arci ay kuwela ang dating. Bagay na bagay sa kanya ang karakter niya na lasinggerang rakista.
Nasawi siya nang gawan siya ng breakup song ng kabanda niyang boyfriend (Rico Blanco).
Yassi, sariwa ang alindog
Si Yassi ang pinakabagets sa cast. In fairness ay ang cute ng role ni Yassi, na nasawi nang matuklasan niyang beki ang kanyang boyfie (Bret Jackson).
Kahit heartbroken ay laging fresh and bubbly si Yassi, na ang ganda at ang sexy sa screen.
Okey rin ang comedy scenes ni Yassi, pero nawala siya sa ending (dahil nag-join siya sa PBB).
Fitness instructor sa camp si Andi Eigenmann, na kabit ng isang doktor (Tonton Gutierrez) na may asawa. May mga eksena si Andi na ang ganda ng ayos niya.
Hindi kahabaan ang role ni Andi, pero mas maiksi ang role ni Kim Molina, na laging malungkot at nakasuot ng itim dahil matapos mag-propose ng nobyo (Alex Medina) nito ay nategi si fiancé dahil nasagasaan.
Ang ganda ng Bantayan Island sa Cebu na pinagsyutingan ng pelikula. Kung may ganito talagang isla para sa mga sawi ay parang ang sarap pumunta.
May promise ang baguhang direktor na si Direk Irene Villamor, na medyo kakaiba ‘yung touch at bago ang dating.
Mukhang for the first time ay kikita si Neil Arce bilang produ dahil ang sabi niya sa FB, sa nagawa niyang tatlong movies (nauna niyang pinrodyus ang 10,000 Hours at Coming Soon) ay itong Camp Sawi ang first time na nadadagdagan sila ng sinehan araw-araw.
***
Season ender ngayong gabi ng Lip Sync Battle Philippines.
Nu’ng 1st season ay tinalo ni Aljur Abrenica ang dating ka-loveteam na si Kris Bernal.
This time ay magkakampi ang AlKris laban sa duo nina Louise delos Reyes at Sef Cadayona.
Kinabog ni Sef si Louise nang maglaban silang dalawa sa LSBP, pero ngayon ay magkasama nilang patutumbahin sina Aljur at Kris.
Ang round 1 ay showdown ng rap hits versus movie soundtracks, habang ang round 2 ay matindihang face-off ng dalawang Beyonce.
Kaabang-abang din ang special performance ng host na si Michael V. at co-host niyang Iya Villania sa all-star number ng former champions.
Mamayang gabi ‘yan sa Lip Sync Battle Philippines sa GMA pagkatapos ng Magpakailanman.