Arci, nasilaw sa Star Magic?

Arci Muñoz

‘Wag namang paka­kampante ang GMA ­dahil ang Ang Probinsyano pa rin ang nangungunang primetime show.

Ang katapat nito ay 24 Oras.

Ang nagkaka­tapatan sa ere ng mas maraming oras ay Encantadia at Magpa­hanggang Wakas na mas OK na yatang bumalik na lang sa sexy romantic comedy kaysa mag-all out drama.

Obviously, kapos si Arci sa drama.

***

Speaking of Arci, gaano katotoo na hindi pa nagre-renew ng ­Viva talent contract si Arci ­Muñoz?

Hudyat ba ito ng kanyang pagkasilaw at eventually pag­lipat sa ABS-CBN Star Magic?

Tingnan natin kung dadalo si Arci sa dara­ting na Star Magic Ball. At kung ano ang masasabi ng co-manager ­niya na si Annabelle Rama tungkol dito.

***

Nadine Lustre
Nadine Lustre

TOTOO bang pa­nic mode na ang JaDine Fans at iniwanan na nila ang Till I Met You with 13+% ratings lang noong isang araw?

Parang hindi tala­ga nakakatulong sa JaDine teleserye ang subplot nina JC Santos at Prince Stefan.

Maswerte raw kung aabot pa ng Pasko ang teleseryeng ito.

Mas OK na lang sigu­rong magpelikula na lang muna ang JaDine tandem.

***

Naka-P10M ang pelikulang The Third Party sa ope­ning day nito noong Miyerkules.

Post iyan ng Star Cinema (producer) sa Instagram.

Congrats sa mga bida na sina Angel Locsin, Sam Milby & Zanjoe Marudo!

***

Hindi lang sa kani-kaniyang GMA show maghahatid ng entertainment ang mga paboritong Kapuso stars.

Bukas (Saturday, October 15) ng 5:00 PM, eh back-to-back na saya ang pasabog ng A1 Ko Sa’Yo stars na sina Benjamin Alves, Sef Cadayona at Mara ­Alberto kasama ang mga ­bida ng Oh, My Mama! na sina Inah de Belen, Ashley Ortega, ­Eunice Lagusad at Phytos Ramirez sa mall show sa ­Robinsons ­Novaliches.

Bukas din ng 5:00 PM, may surpresang hatid ang Sa Piling Ni Nanay stars na sina Yasmien Kurdi at ­Jillian Ward at Tsuper­hero ar­tists na sina Bea Binene, ­Derrick Monas­terio at Miggs Cuaderno sa Robinsons Dasma­riñas.

***

Totoo bang mas mataas pa ang rating ng PBB Updates sa hapon kaysa sa mismong PBB sa gabi?

Hindi nakakatulong ang mababang ratings ng late primetime shows ng ABS-CBN para ma-sustain ang interes sa PBB.

Paano na kaya?

***

Congrats sa mga nagsipagwagi sa Catholic Mass ­Media Awards.

Mukhang alam na ng mga dumalo na panalo sila dahil naibigay na raw yata ang listahan ng winners sa mga networks ­bago pa man nagsimula ang para­ngal para makarating ang mga nagsipanalo.

Ganu’n na yata ang kalakaran ngayon — NO AWARD, NO SHOW ang nominees.