NI: ALWIN IGNACIO
Takang-taka ang diva that you love sa mga sulat na ipinadala sa aking Pandora’s Box.
Ano raw ang dahilan kung bakit kailangang patayin ang katauhan ni Arci Munoz sa early evening primetime serye na ‘Pamilya Ko’?.
Ano’ng nangyari ngayong maganda naman talaga ang kuwento nina Arci at JM de Guzman na bestfriends ang drama.
Hanggang sa may dumating na sulat na ang hanash, naging nuknukan diumano sa pag-iinarte ang aktres.True ba na unprofessional at cause of delay sa taping?
Ang alam namin parang nagluka-lukahan siya dahil sa pagmamahal o kaya dahil sa K-Pop idols niya pero hindi sa trabaho.
Sikat na sikat na ba talaga siya at may solid fan base para gawin ang mga bagay-bagay na inaakusa sa kanya? Kung wala kasing katotohanan, dapat nasa serye pa siya, hindi ba naman?
Ang mas nakakaloka, how true kaya ang chika na imbes na pangmalakasan at matagalan pagbakasyunin ang dalagang pasaway bilang pagdidisiplina sa kanyang unprofessional behavior at para rin makapag-muni-muni, ginantimpalaan pa nga ba ito? May bagong proyekto agad.
Pinasakit umano ang ulo ng mga taga-“Pamilya Ko” tapos isasalang na nga ba agad-agad sa ibang drama?
Maaring pinangako ni Arci na hindi na niya uulitin ang kanyang kapangahasan . Posibleng kumbinsido ang kung sino man na bigyan siya ng tsansa para patunayan ang kanyang pagbabago. Saka hindi naman bano sa pag-arte ang aktres kaya sayang naman kung mabuburo at hindi mapapakinabangan ang talent.
Naway tuloy-tuloy na ang pagiging good girl nitong si Arci kung saka-sakali ngang naging pasaway.