Hindi napigilan ang paglagaslas ng luha ni Arci Munoz. May isang tanong kasi si Boy Abunda sa “Tonight With Boy Abunda: na ganito: “Single ka na ba ulit? Naghiwalay na ba kayo ng boyfriend mong si Anthony?”
Pabiro pa ang reaction muna ng “Open” leading lady na “bakit ako kinabahan?” May kinanta pa ngang popular na awit tapos, ayun na, naging emosyonal na ang dalaga, lumuha na ito in a major, major way.
It was really an awwww moment kasi kitang-kita mo pa how vulnerable pa si Munoz pag dating sa break up niya with her non showbiz boyfriend. May pakiusap siyang she wants to keep her “private life” private na sinang-ayunan naman ni Abunda. (Alwin Ignacio)