Hanggang ngayon ay hindi pa rin tinatantanan ng mga isyu patungkol sa retoke ang aktres na si Arci Muñoz. Magsimula ‘yan ng isyu na nagpagawa siya ng ilong at magpalagay ng lip filler.

Kung sa usapin ng pagpapagawa ng kanyang ilong at labi ay naging tahimik ang aktres, hindi naman sa usapin ng kanyang katawan.

Nag-post ang aktres sa kanyang Instagram ng isang seksing la­rawan niya sa beach na nakasuot ng two-piece swimsuit. Perpekto ang kurba ng katawan, literal na depinisyon ng isang “Human Barbie”.

Marami tuloy netizen ang naghihinala na maging ang dibdib at puwet niya ay peke.

May isang netizen pa nga ang personal na nagmensahe sa kanya. “I really like you pero bakit parang pati pwet mo pinagawa mo? Tsk tsk. Halata kasi.”

Depensa ng aktres, “Dude! I don’t workout everyday just for you to judge my fine ass!!! You gotta see my mama’s!!!.”

Caption pa nga ng aktres sa isa sa mga sexy photo na ipinost niya sa IG. “Should I make a quick workout vid.?! Watchathink?”

Well, ibig sabihin na ang perfect body ng aktres ay dahil sa pure workout.