“YOUR lips look horrible,” hanash ng isang basher kay ­Arci Muñoz sa Instagram.

Ang kaswal na sagot ni Arci with smileys, “And so is your face. And yer attitude.”

Supalpal!

***

Nakisawsaw si Manay Lolit Solis sa isyu kay Arci.

Kuda ni Manay Lolit sa Instagram, “Sobra ang atake na tinatanggap ngayon ni Arci Muñoz dahil daw sa pagpaparetoke ng mukha.

“Grabe naman, bakit nga ba hindi tayo makuntento sa ibinigay sa atin ng Diyos?

“At siguro naman, naging Arci Muñoz siya sa dati niyang anyo, bakit gagalawin pa?

“Kasi naman, sinasabi na nga ng cosmetic­ doctors na may downtime iyang mga ganyan, bakit hindi hintayin mag-subside at maging maa­yos muna bago lumabas at magpakita sa publiko para hindi mahalata, ‘di ba?

“Kahit si Gretchen Barretto, nang magpa-Angelina Jolie ng lips, lumabas din agad-agad kaya na-shock din mga tao.

“Hintayin kasi ang resulta bago mag-personal appearance para ‘di mahalata.

“Hay naku wala naman pumipigil kung ano ang gusto natin gawin, tayo naman ang gumasta pero iyon nga, mas maganda sana kung hindi halata para feel na feel mo ang pagiging maganda, kesa naman hayan, buong bayan ang nakaalam na thank you doctor ka.

“Hayyy, next time, secret na, ha?”