
Ang mag-sweetheart na Maine Mendoza at Arjo Atayde ang balitang nagbabalak makita ang Northern Lights, pero naunahan sila ng single at tatahi-tahimik na si Alden Richards.
Wala pang pino-post sa social media si Alden, pero nasa Iceland siya ngayon para magbakasyon at para makita ang pinag-uusapang Northern Lights o Aurora Borealis.
Walang girlfriend na kasama si Tisoy, ang ka-join niya sa Iceland ay ang creative head ng “Eat Bulaga” at travel buddy niya na si Jeny Ferre.
Kahapon ay may post na si Jeny na nandu’n na ito sa Reykjavik at nakaupo sa isang bench sa labas ng Hallgrimskirkja Church.
Malamang si Alden ang kumuha ng nasabing pic. Si Jeny rin ang kasama ni Alden nang magbakasyon siya last year sa Batanes.
So, ibig sabihin ay si Jeny ang ka-bonding ni Alden nu’ng Valentine’s Day sa malamig na lugar na ‘yon. Mas bongga sana kung may special someone siya na kasama sa Iceland at kasamang mag-aabang ng Northern Lights sa gabi.
October to March pala ang Aurora season sa Iceland, pero wala ring kasiguraduhan ‘yon na lalabas at magpapakita ang dancing green lights na ‘yon gabi-gabi.
Matatandaang kumalat ang screenshot nu’ng FB post na tinag ni Maine si Arjo sa isang pic ng Aurora Borealis Observatory sa Senja, Norway at nag-comment si Arjo kay Maine ng “Let’s go, babe.”
Kaya nang magpunta kamakailan si Maine ng Amerika para sa MAC event ay may tsikang magkikita sila roon ni Arjo para sa plano nilang Northern Lights trip.
Nagtagpo nga ang ArDub sa US, pero nag-dinner lang ang dalawa. Nakabalik na sila pareho ng bansa. Ang quiet lang na si Alden ang biglang nasa Iceland na at ngayon ay nakikipagtagpo kay Aling Aurora (Borealis).
***
Paolo break na sa dyowa: ‘Wala sa timing ‘yung sa amin’
From Siopao to Hopia ang drama ni Paolo Ballesteros dahil break na sila ng non-showbiz jowa niyang si Kenneth Gabriel Concepcion.
May pa-emote na post si Paolo sa Instagram na binigyan siya ng mga tsitsirya at Valentine card with touching dedication ng sister niyang si Chix at sinabi niyang suwerte siya sa pagkakaroon ng pamilya at kapatid na katulad nito.
Sa dedication ni Chix ay sinabi nito na hindi pa nami-meet ni Paolo ‘yung taong magmamahal sa kanya the way he wants them to.
Obvious ang hugot sa post na ‘yon ni Pao kaya na-gets agad ng lahat na wala na sila ng boyfie niyang si Gab na kung tawagin niya ay Siopao.
Kung may jowa pa kasi si Paolo ay siguradong swit-switan moment nila ni Siopao ang Valentine post niya bilang very open sila sa relasyon nilang dalawa.
Nu’ng January lang nag-celebrate ng kanilang 2nd monthsary ang dalawa, ngayong Feb. ay waley na sila at ni hindi umabot ng Valentine’s Day! Kalerks!
Nang usisain namin about the break up, ang mabilis na sagot sa amin ni Pochoy ay, “‘Yung Siopao, naging Hopia! Hihi! Keri lang. Wala sa timing ‘yung sa amin. Haayyy!”
‘Yun na! PAK!!
***
Dingdong-Dennis tandem babu na
Ngayong gabi na ang pagwawakas ng “Cain at Abel” nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.
Ayon kay Dingdong, nagustuhan niya ang istorya ng kanilang action-drama series at ‘yung teamwork ng mga artista at ng buong team.
Ang ganda raw ng naging working environment nila sa “Cain at Abel” at sila ni Dennis ay nag-bond nang husto dahil dito.
Ani Dennis, isa si Elias sa pinakagusto niyang karakter na ginampanan dahil punung-puno ito ng pighati at laging inaapi.
“Kahit anong buti ng puso niya, lagi siyang napupunta sa mga sitwasyon na hindi maganda kaya nakokompromiso ang pagkatao niya,” pakli ni Den.
Kapwa naging fulfilling daw para sa Kapuso Primetime King at Kapuso Drama King ang unang pagtatrabaho nila together sa “Cain at Abel,” na napapanood sa GMA Telebabad pagkatapos ng “24 Oras.”