Are you in or out?

Graduation season na naman para sa maraming eskuwelahan. Ang mga magsisipagtapos sa kolehiyo, siguradong naghahanda na sa kanilang job hunting. Hindi puwedeng walang plano sa paghahanap ng trabaho. Una kasi sa lahat, dapat ma-impress sa’yo ang would-be employer mo. ‘Yan ang susi para makuha kaagad sa trabaho.

Sabi nga sa isang ­artista search sa TV noon, “Are you in or out?” Kaya dapat tala­gang pagtuunan ng pansin ng mga newly ­college graduates ang pag-a-­apply sa trabaho, mula sa paggawa ng curri­culum vitae (CV) hanggang sa tamang postura at pananamit sa actual face-to-face interview.

Sa paggawa ng CV o mas kilala natin sa tawag na ‘resume’, ma­ging straight to the point. Puwede na ang isa hanggang dalawang pages. Laging isipin, busy ang mga boss na magbabasa ng iyong resume. The simpler, the better! Huwag masyadong mara­ming palabok. Sabihin agad ang gusto at ka­yang ibigay para sa kum­panya. Dahil kaka-graduate mo lang, mas i-highlight ang mga karanasan at kaalamang natutunan sa iyong kolehiyo. Pormal ang litratong ilagay. Huwag selfie para hindi magmukhang katawa-tawa ang iyong resume. Huwag ding kalimutang maglakip ng cover o application letter. Dito babanggitin ang intensyon mong mag-apply sa napiling kumpanya.

Sa libo-libong aplikante, masuwerte kang mapili para makapag-exam. Kaya huwag saya­ngin ang pagkakataon. Maghanda para sa exam. Karaniwang gene­ral information ang mga tanong sa pagsusulit. Siyempre, hindi mawawala ang Math, kaunting Science at Basic English Proficiency. I-refresh ulit ang subject-verb agreement at sentence construction. Malamang kasali sa exam ‘yon. Hindi rin nawawala ang lo­gic at abstract reasoning. Kung minsan, may psychological exam pa sa ibang kumpanya.

Kung papalarin ka nga naman, matapos ang exam – ipatatawag ka na para sa initial interview. Huwag mataranta. Dapat laging ‘I am ready’. Hindi naman kailangang bumili ng bagong damit para sa interview. Ang kailangan lang isipin, dapat presentable kang haharap sa iyong would-be emplo­yer. Dress accordingly.

Kung sa production ka mag-a-apply, okay lang na hindi ka naka-formal attire. Karamihan sa mga nagtatrabaho sa TV and Film production, comfy clothes lang ang suot dahil mainit sa location. Pero kung sa corporate companies ka sasalang, formal ­attire ang isuot. Karaniwang naka-coat and tie para sa mga lalaki. Naka-blazer-blouse at palda naman sa mga babae. Para safe, puwede rin namang smart casual para hindi ka overdressed sa kumpanya.

Sa mga babae, okay ang makeup na ‘no makeup’ look o ‘yung tipong ‘woke up like this’ ang peg. Huwag ding magdadamit ng mas­yadong maiksi. Baka mawala sa focus ang mag-i-interview. Sa mga lalaki naman, huwag matapang ang gamiting pabango. ‘Yong tipong mapapalingon ka dahil masakit na sa ilong. Gaya sa paggawa ng resume, ‘the simpler, the better’ rin dapat ang isi­pin sa postura at panana­mit sa actual interview.

Ibang usapan na kapag naipasa mo ang lahat ng ito. Ang dapat namang paghandaan ay ang tamang kilos at ugali sa loob ng iyong workplace.

Sa ngayon, tanggapin mo muna ang aking taos-puso at mainit na pagbati sa mga gaya mong magsisipagtapos sa kolehiyo. Tandaan, simula pa lang ito ng mga totoong hamon sa buhay.