Sinagasaan ng Arellano University at Centro Escolar University-A ang mga nakatapat sa pagsisimula ng 14th Fr. Martin Division 2 Cup basketball tournament sa Arellano gym sa Legarda nitong Sabado.

Nagsalansan ng 19 points si Clifford Cahigas at kinubabawan ng Chiefs ang CEU-B Scorpions 65-56.

Umiskor naman si Orlan Wamar ng 15, nagdagdag ng 12 si Gills Oloume at biniktima ng CEU-B ang FEU 66-54.

Sa juniors, ­pinaamo ng San Benildo Blazing Wolves ang FEU Baby Tamaraws 66-54 sa likod ng 19 markers ni Gelo Bernas.

Kabuuang 31 school teams na ang nagrarambulan sa seniors at juniors divisions ng three-month long tournament.

Nasa Group A ng seniors ang Adamson, Arellano, San Sebastian, JRU, CEU-B, St. Michael at Diliman Preparatory School. Sa Group B ang San Beda, Letran, Perpe­tual Help-Cavite, CEU-A, Colegio San Agustin-Binan, at mary the Queen College-Pampanga.