Arellano magwawalis

Mga laro ngayon (FilOil Arena)
12:00 noon – AU vs. Benilde (jrs)
2:00 p.m. – AU vs. Benilde (srs)
4:00 p.m. – Mapua vs. Perpetual (srs)
6:00 p.m. – Mapua vs. Perpetual (jrs)

Papaypayan ng Arellano U ang ambisyon na makahabol sa Final Four, kailangang walisin ng Chiefs ang huling apat na laro para makahirit sa next round ng 93rd NCAA basketball tournament.

Una sa last four games ng Arellano (5-9) ang out nang St. Benilde (3-12) sa first game mamaya sa FilOil Arena sa San Juan.

Sunod sa mga taga-Legarda ang San Sebastian (7-7) sa Martes, Perpetual (4-10) sa susunod na linggo, at huli ang Mapua (2-12) sa Oct. 20.

Sigurado na sa top two at twice-to-beat sa semis ang Lyceum (15-0) at San Beda (14-1). Kaagawan ng Arellano sa last two slots sa F4 ang JRU (9-6), Letran (8-7), Baste at EAC (6-9).

“We have to play as a team and not rely on just one or two players,” lahad ni Chiefs coach Jerry Codinera, alas pa rin si Kent Salado na may league-best average na 19.1 points per outing.

Nasuma na ni Codinera ang kailangan nilang gawin sa last four games: “Must win for us.”

Kumukumpleto sa stats ng mabilis magla­rong si Salado ang norms niyang four rebounds, third-best 4.5 assists at fourth-best 1.3 steals per game. Ang siste, siya lang ang Arellano player na nagsusumite ng double digits.

Sa ikalawang laro ay magsasagupa ang Perpetual at Mapua.