Pinupog ng Arellano University ang last year’s title-holder San Beda 2-1 para sikwatin ang unang titulo sa 92nd NCAA juniors lawn tennis tournament sa Rizal Memorial Tennis ­Center kahapon.

Tinaob ni Aljohn Talatayod si ­Eduardo Bagaforo 6-0, 6-2 sa opening singles, kinaldag ni Norman Gaspar si Dawson Ormoc 6-4, 6-1 sa ­reverse ­singles at naselyuhan ng Braves ang korona.

Naitabla ng San Beda ang iskor sa 1-1 sa panalo nina Patrick Mendoza at Aldyll Ignacio kina Jan Harold Trillanes at Lawrence Sombreo 6-2, 6-2 sa doubles. Kung nanalo sa reverse singles ay makakahirit sana ang Red Cubs ng one-game finale.

Pero dominado ni Gaspar ang ­laban.

“It’s a proud accomplishment for a team that has worked hard for years to get this far,” wika ni Arellano­ ­­­Management Committee representative Peter Cayco.

Kinaldag ng Lyceum ang San ­Sebastian para ibulsa ang third place.

Pinagpag ni Elvin Joseph Geluz si Vincent Anida 6-0, 6-1 at pinataob ni Stepano Gurria si Joseph Gadon 6-4, 7-5 para sa panalo ng Junior Pirates.

Tinalo nina San Sebastian pair Philip at Pete Coteron sina Bruce ­Etcobanez at Jason Guillermo 6-0, 6-4 sa doubles.