Aresto sa community quarantine ‘di legal — Lacson

Iligal at walang legal na basehana kung mang-aaresto sila sa gitna ng ipinatutupad ng community quarantine sa Metro Manila bunsod ng banta ng COVID-19, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Ayon sa dating PNP chief, ang mga batas na ginagamit partial lockdown sa NCR ay ‘outdated’ na umano at walang sinabing anuman sa galawa ng tao sa lansangan.

“As the ‘community quarantine’ to address the COVID-19 threat starts, the Philippine National Police should exercise caution in handling the situation,” sabi ni Lacson sa isang statement.

Sa ilalim ng Republic Act 9271 o Quarantine Act of 2004, sako lang nito ang domestic at international seaport at airport at hindi ang galawa ng mga tao sa lansangan.

“Hence, law enforcement authorities may not be legally equipped to conduct arrest unless local ordinances are available for its enforcement,” paliwanag ni Lacson.

Bago ang lockdown noong Linggo, ilang indbidwal ang nangangamba sa posibleng pag-aresto matapos mapabalitang magpapatupad ng Metro-wide curfew sa Kaymanilaan.

Subalit nilinaw ng Palasyo na hindi kinukosndiera ni Duterte na magkaroon ng curfew sa Metro Manila bagama’t pinag-iisipan ito ng ilang alkalde sa National Capital Region. (Dindo Matining)