Hindi kumbinsido ang isang senador sa mga inilatag na dahilan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kung bakit idineklara ang Martial Law sa Mindanao.

“Gaya ng kung gaano­ kanipis ang report na ­pinadala ni Presidente­ Duterte sa lehislatura, manipis ang kanyang mga argumento kung bakit kailangan ang Martial Law sa buong Mindanao bilang tugon sa krisis sa Marawi,” reaksyon ni Sen. Risa Hontiveros matapos basahin ang pitong pahinang written ­report ng Pangulo.

Ayon kay Hontiveros, hindi nasagot ng Pangulo kung bakit ang pagsasa­ilalim sa Martial Law ng buong Mindanao at suspensyon ng privilege of the writ of habeas corpus ay ‘appropriate’ at ‘proportional response’ sa tero­rismo ng Maute group.

“Kung tutuusin, ang buong report ay tungkol lamang sa Marawi at Lanao Del Sur. Dahil dito, lalong bumibigat ang ­aking agam-agam sa deklaras­yon ng Pangulo ng Martial Law sa buong Mindanao,” komento ng senadora.

“Sa aking tingin, sapat na ang ‘calling out power’ ng presidente para imobi­lisa ang sandatahang lakas upang sugpuin ang ‘lawless violence’, ‘invasion’ at ‘rebellion’ na hindi nagdedeklara nang Martial Law,” ani Hontiveros.

Nanawagan din si Hontiveros sa liderato ng Kamara at Senado na magpatawag ng joint session ng Kongreso upang mapag-usapan ang Martial Law declaration ng Pangulo.

Matatandaan na sinabi nina House Speaker Pantaleon Alvarez at Senate President Aquilino Pimentel III na hindi na sila magpapatawag ng joint session kung marami naman ang pabor.

4 Responses

  1. tama naman si SENATOR HONTIVEROS…kaya manipis yung report ni DUTERTE,,,,eh! PEKE naman yung mga TERORISTA mga tagaDAVAO yun!!DRAMA ni DUTERTE yan!!! para magDECLARE ng MARTIAL LAW,,,ATAT na ATAT yan noon pa! mga TANIMTERORISTA yan!! napansin nyo yung ARMOR na ginamit ???? may LOGO pa ng DAVAO!!! kaya BUKING na !!!kaya pinagBawal ang pagkuha na LIVE VIDEO ,,para hindi maBUKING!!!! hahaha asan ka naman nakakita na terorista na 40 lang ,tapos sasakupin yung buong MINDANAO…hahaha..KOMEDI db???tapos ang pinadalang MILITARY at PULIS LIBO-LIBO may mga KANYON at ATTACK HELICOPTRES pa!!!! laban sa APATNAPU na PEKENG TERORISTA…MARTIAL LAW buong MINDANAO WOW!!!!!! galing ng PRESIDENTE SAYAD,,,puro KABALIWAN lang!!!tapos itong mga DEDEs at TONGressman at senaDOGs mga GALAK na GALAK sa palabas ni DUTERTE,,,hahahaha sempre paPOGI points at paPKYUT sa buong mundo..ang hindi nila alam pinagTATAWAN lang sila…hahahahaha MARTIAL LAW pa more…..