Doble ang malas na inabot ng isang lalaki sa Masingal, Ilocos Sur dahil bukod sa isinampang kaso laban sa kanya ay nawalan pa ito ng ari.
Naganap ang insidente matapos aksidenteng mabaril ni Rey Menor, 50-anyos, mekaniko, may asawa ng Brgy. Barbarit ng nasabing bayan.
Sa imbestigasyon ng Masingal Municipal Police Station, nilalaro umano ni Menor ang kanyang homemade o paltik na kalibre sa kanilang salas noong Sabado, nang makalabit nito ang gatilyo at aksidenteng matamaan ang kanyang ari.
Agad na dinala sa Metro Vigan Cooperative Hospital (MVCH) si Menor upang maibalik ang kanyang pagkalalaki ngunit ayon sa mga medical expert na imposibleng maibalik ito dahil sa bukod sa naputol, ay grabe ang pinsala na tinamo nito.
Nabatid sa pulisya na ang baril na ginamit ni Menor ay hindi maaaring kunan ng lisensiya, kaya bukod sa nawalang ari, kakasuhan pa ito ng illegal possession of firearms and ammunitions.