Ariana buwiset sa mga pasaway

Nilabas ni Ariana Grande ang kanyang inis sa mga taong hindi nakikinig at natatakot sa banta ng COVID-19 sa buong mundo. Nagpahatid ng mensahe ang singer sa kanyang 177 milyong followers sa Instagram.

Inamin niya na hindi umano niya dinadaan sa biro ang pandemic na ito. Aniya, “I keep hearing from a surprising amount of people statements like ‘this isn’t a big deal’ / ‘we’ll be fine’… ‘we still have to go about our lives’ and it’s really blowing my mind.”

Naiintindihan umano niya ang nararamdaman ng bawat isa, subalit kinakailangan nilang maliwanagan at maging updated sa balita.

Sey pa niya, “It is incredibly dangerous and selfish to take this situation that lightly. The ‘we will be find because we’re young’ mindset is putting people who aren’t young and / or healthy in a lot of danger. you sound stupid and privileged and you need to care more about others. like now.”

Kabilang na rin kasi ang Amerika sa mga bansang nasa state of emergency at total lockdown. Kaya naman ganun na lang ang panghihikayat ng singer na sumunod sa ‘social distancing’.