Nakita si Ariana Grande na muling nakikipag-ugnayan sa dating katipan. Ito’y ang sikat na mang-aawit ng “7 Rings” na si Graham Phillips. Nag-dinner sila sa isang Italian restaurant sa New York City.
Halatang pinaghandaan ni Grande ang nasabing date. Talaga namang napakaganda ni Ariana sa suot na mini Burberry na palda na ipinares niya sa isang itim na coat na hanggang tuhod at puting boots. Hindi ito ang unang pagkakataon na sina Grande at Phillips (na parehong nagbida sa Broadway na 13) ay muling nagsama.
Taong 2016, muling pinakilig ng dalawa ang kanilang mga tagahanga nang magkasama silang nag-dinner sa Red O restaurant sa Los Angeles. Ang dating magkarelasyon ay huling nag-date noong 2011. Iyon ‘yung time na nagbida si Ariana bilang Cat Valentine sa Nickelodeon’s Victorious.
Nasundan ang huli nilang pagkikita nito lamang nakaraang linggo.
Ayon sa isang source, hindi sa paghahanap ng bagong karelasyon nakatuon ngayon ang pansin ni Ariana kundi sa kanyang Sweetener tour concert na magsisimula na sa March 18.
Mukhang handang panindigan ni Ariana ang kanyang pangako sa kanyang mga tagahanga na mananatili siyang single sa buong 2019.