Deserving talagang maging third runner-up si Ariella Arida sa Miss Universe noong 2013.

Five years ago na nang makipag-compete siya sa Miss U na ginanap sa Russia, hanggang ngayon parang bagong beauty queen pa rin ang actress-host.

Makikita naman sa IG post niya ang kanyang mga bikini shot. Nagmumura ang kanyang wankata.

Palaging bago sa mata ng mga follower at netizen ang pagpapasilip ni Ara ng kanyang alindog sa Instagram. ‘Yan bang parang may bago siyang inihahain.

Kung hindi mo kilala si Ariella, mapagkakamalan mo siyang banyaga dahil sa kanyang natatanging itsura.

Puwede siyang maging Asian, American, Latin, Indian at iba pa.

Hindi mapagsasawaan ang kanyang kagandahan. Kung maihahalintulad si Ara sa isang klase ng prutas, gulay, o snack, kahit anong panahon malutong ang kanyang kaseksihan.

Tingnan mo naman ang kanyang body figure pantay ang pagkakaporma nito na alam mong biyaya sa kanya ng Diyos.