Humahataw ang career ni Aries Go, ang yummy burger boy sa commercial ng isang kilalang fast food chain. Isa siyang Viva talent at alaga ni Lito de Guzman. Kamakailan ay nag-guest siya sa ‘Tambayan ng Tsika,’ online show ng Abante Tonite.
Coincidental nga raw na nalilinya silang magkapatid bilang endorser ng nasabing produkto kahit magkaiba pa sila ang brand names.
Dating commercial model at actor din kasi ang kanyang kuya na si Arman de Guzman na nag-endorse rin ng burger nu’ng araw. Natatandaan niyo ba ‘yung commercial ng burger na humahabol sa bus?
Hirit pa niya, idol daw niya ang kanyang kuya kaya naman gusto niyang sundan ang mga yapak nito.
Si Aries ang bagong endorser ng Erase. Nasa commercial din siya ng global name na Converge.
Huli siyang napanood sa kontrobersiyal na Cinemalaya movie na The Lookout ni Afi Africa.
Nasa cast din siya ng PPP blockbuster film na A Day After Valentine’s na pinagbidahan nina JC Santos at Bela Padilla.
Kasalukuyang ginagawa rin niya ang isang comedy movie kasama sina Ai-Ai delas Alas at ang Ex Battalion.
Speaking of teleseryes, pagkatapos ng matagumpay na La Luna Sangre, join din siya sa cast ng Take Life with Gerald Anderson.