Arjo ayaw ‘bakuran’ sina JM, Ria

Hindi idinenay ni Arjo Atayde na bilang panganay, protective siya sa lahat ng kanyang mga kapatid.

“Ganoon naman talaga po ang kuya, protective siya sa lahat ng kapatid niya,” sey ni Arjo.

Gayunpaman, kahit protective siya, hindi raw naman siya ‘yung tipong nambabakod sa mga manliligaw sa kapatid niyang si Ria Atayde.

Hirit pa niya, pagdating sa lovelife, ayaw rin niyang makialam sa kapatid.

Basta ang importante raw sa kanya ay ang magandang intensyon ng guy sa sinumang manliligaw ni Ria.

Tungkol naman sa naibunyag ni Arci Muñoz, na may ‘something’ o nagkakabutihan na ang ate niyang si Ria at si JM de Guzman, ayaw niyang magkomento rito.

Sey pa niya, matagal na niyang kaibigan si JM at para sa kanya, isa ito sa mga totoong tao na nakilala niya sa showbiz.

Happy si Arjo dahil sunod-sunod ang bles­sings na natatanggap niya pagkatapos ng matagal na paghihintay.

Pinag-uusapan ang kanyang iWant series na “Bagman” at romantic lead na siya sa pelikulang “Stranded” katambal si Jessy Mendiola. Kasaluku­yang palabas na ito sa mga sinehan sa buong bansa. (Archie Liao)