Marami ang kinilig sa photo na ibinahagi ni Arjo Atayde kasama ang rumored girlfriend na si Maine Mendoza.

Naka-helmet ang dalawa habang sakay ng motorsiklo. Papunta sila sa concert ng American indie pop band na LANY na ginanap sa SM Mall of Asia Arena kamakailan.

Sey ni Arjo: “More and more memories with you babs. One for the books. I love you so bad, babs!”

Sey ni Maine sa kanyang separate post, muntik na siyang hindi makapanood ng nasabing concert dahil nagkaroon ito ng conflict sa kanyang schedule.

To the rescue naman si Arjo dahil nagawan nito ng paraan na maisama si Maine sa nabanggit na concert.

Bet na sana ng ibang mga netizen ang pag-I love you ni Arjo kay Maine, pero hindi nito napangatawanan ang kanyang original post dahil binura niya ito later.

Paliwanag naman ng ArMaine fans, ayaw daw ma-nega ng Kapamil­ya actor si Maine kaya prinoprotektahan niya ito lalo pa’t meron pa rin namang AlDub at may upcoming movie ito with Carlo Aquino. (Archie Liao)