Arjo ‘di manggagamit – Maine

Nag-trend kahapon ang #NoToArjoTheUser. Ipinapalagay naman na dala pa rin ito ng ngitngit ng ilang die-hard AlDub fan na hindi matanggap ang relasyong Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Bilang kilala si Maine na reyna ng Twitter world, pumalag ito.

“Wow, some ‘fans’ made #NoToArjoTheUser trend today. Congrats! But I say #YesToArjo. (heart emoji),” tweet ni Maine.

Dahil sa counter tweet ni Menggay, mas nag-trend ang #YesToArjo. Ibig sabihin, mas marami na rin ang tanggap na buwag na ang AlDub.

Bumilib din ang mga netizen sa pagtatanggol ng aktres sa kanyang dyowang si Arjo.

Kamakailan ay usap-usapan ang paghataw nina Arjo at Maine ng “Tala” ni Sarah Geronimo. Sa isang event din na animo’y block screening ay nagsuportahan ang dalawa at game na humarap sa mga fan.

Hayagan na nga ang kanilang pag-iibigan. (Jun Lopez)