Arjo sabik na kay Maine

Inamin ni Arjo Atayde na nami-miss na niya ang girlfriend na si Maine Mendoza sa mahigit dalawang buwang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang bansa at nasa bahay lang.

Aniya sa online media conference ng bago niyang virtual movie, ang hirap daw palang malayo sa girlfriend.

“It’s hard to be away from your loved ones, you know – family, girlfriend,” aniya.

Pero nananatili naman daw matatag ang relasyon nila ni Maine.

“This quarantine is making us stronger and yeah, that’s it, I miss her (Maine), I miss everyone, I miss work, I miss acting, I miss everything.

“But yeah, she’s (Maine) on top of my list as well, and my concern towards what’s happening to everything,” pahayag ni Arjo.

Matatandaang last March 3 (just before the quarantine) ay magkasama pa ang dalawa sa El Nido, Palawan at masayang ipinagdiwang ang kaarawan ni Maine.

@@@

Tumibay ang relasyon sa lockdown

Kung si Arjo ay hindi kasama ang girlfriend ngayong quarantine, kabaligtaran naman nina Jake Cuenca and Kyle Versoza na kasama rin sa cast ng Love Lockdown.

Magkasama ang lovebirds sa iisang bahay ngayon at ayon nga sa dalawa sa naturang mediacon, mas tumibay pa raw ang kanilang relasyon ngayon.

“Mas nag-strenghten ang relationship namin through everything, sa totoo lang,” ani Jake.

“Although, it was challenging kasi ang daming nangyayari, but sa totoo lang, this is the time na siya (Kylie) lang talaga ang iniisip ko. I mean, like all my attention was solely on her,” dagdag niya.

Unlike kapag may work daw siya ay siyempre, naka-concentrate siya sa kanyang karakter pero dahil sa lockdown, mas nakapag-focus daw siya sa relasyon nila.

“So, I would say na yeah, the lockdown has definitely made us stronger,” he said.

Challenging nga raw for them ang mga eksena nila sa pelikula dahil sa story ay lagi silang magkaaway while sa totoong buhay naman ay napakasaya ng relasyon.