Dahil sa takot kay Chief Insp. Jovie Espenido, ilang private individuals na pawang residente ng Ozamiz City ang nagsuko na ng kanilang mga armas sa pulisya.

Ito ang kinumpirma ni PNP (Philippine National Police) chief Ronald Dela Rosa saan umaabot na sa 226 short firearms at 40 long firearms ang isinuko na 17 short firearms at walong firearms ang pagmamay-ari ng barangay chairman.

Ayon kay Dela Rosa, natakot ang mga sibilyan at mga barangay captains na baka maging subject sila sa isasagawang operasyon ng PNP kaya bago pa ito mangyari ay boluntaryo nilang isinuko ang kanilang mga armas.

Sa ngayon ay inaalam pa kung ang mga nagsuko ng armas ay kaalyado ng mga Parojinog.

“So far ‘yung 6 targets na mga lugar ay na-serve na ang warrant ‘yon nga lang may miyembro ng pamilya nila na subject na ma-search ang bahay pero wala,” wika pa ni Dela Rosa.

One Response