Narekober ng mga tropa ng 73rd Infantry Batallion ng Philippine Army ang limang matataas na kalibre ng baril at sari-saring amunisyon na pinaniniwalaang mula sa Guerilla Front 71 Far South Mindanao Regional Command.

Ito ay matapos inguso mismo ng dating NPA member na una ng sumuko sa militar ang tinatawag na arms cache sa kabundukan ng Brgy. Pangaleon, bayan ng Malita, Davao Occidental kamakalawa.

Kabilang sa mga narekober na high powered firearms ay M16 rifle, Garand rifle, dalawang cal.30 M1 Carbine at M203 Grenade Launcher.

Dahil sa patuloy na pagtugis ng militar sa mga rebeldeng grupo ay kanilang itinatago ang mga armas para magmukhang mga sibilyan.