jim-paredes
Jim Paredes

NAPUYAT yata si Jim Paredes sa kasasagot sa mga tumira sa kanya sa Twitter pagkatapos kumalat ang video na pinagsisigawan niya ang mga kabataang maka-Duterte na pumunta sa EDSA People Revolution anniversary celebration kamakalawa ng hapon.

Mabilis na kumalat ang video na iyun at kung anu-anong komentong naglabasan, na karamihan ay binatikos ang mi­yembro ng APO Hiking Society.

Pero may sarili siyang paninindigan kaya ginawa niya iyun at sinagot niya ang mga namba-bash sa kanya sa Twitter.

Hanggang sa nag-goodnight na siya sa trolls dahil gusto na raw niyang matulog.

Kinabukasan na lang namin nakita sa Facebook account ni Arnell Ignacio ng PAGCOR na nagbigay rin ng komento sa ginawa ni Jim.

Mensahe ni Arnell kay Jim, “Jim my friend, you must admit it was nasty shouting those kids who were just standing there and holding on to the tarpaulin stating their beliefs.

“Hmmm… EDSA has no exclusivity. Remember, you invited everybody to come. They did.

“And when you were shouting at them, they did not answer back in a fashion the same as to yours. Probably they just didn’t know how. Why don’t you take somebody who will answer you back?

“Si Bruce Rivera Rivera o kaya ako, let’s do this, live.”

Naka-text namin si Arnell kahapon para sa live interview namin sa aming radio program sa DZRH at binanggit niyang pati si Elizabeth Oropesa ay hinahamon na rin si Jim ng debate o kahit magsuntukan pa.

Naglabas din kasi si Elizabeth ng video niya na nagparating ng mensahe para kay Jim.

***

Hindi rin nakapagpigil si Sen. Bong Revilla, inilabas din niya ang pagkadismaya kay Jim.

Post ni Sen. Bong sa Facebook, “Jim Paredes, kahiya-hiya ka. For someone claiming to be pro-freedom and pre-democracy, you sure look like a tyrant!

“Sa nagmamalaking tagapagtaguyod ng kalayaan at demokrasya, ikaw ang diktador!

“Para sa isang na­ngangalandakan ng pagiging disente, inilabas mo ang napakasahol mong asal.

“The future belongs to the youth, and those youth exercised their freedom to express their beliefs.

“You stood in their way saying they had no right to do so. Ipinakita mo ang tunay na kaanyuan ninyong dilawan.

“Na sa inyong mga utak, kayo lang ang tama at kung hindi n’yo kakampi, dapat ihiya at pagdusahin. ‘Yan nga mismo ang ginawa n’yo sa akin.

“Ganunpaman, hindi ito tungkol sa akin kundi tungkol sa inyo. Alam kong subukan n’yo na naman ilihis ang usapan, pero hindi kayo makakaiwas sa katotohanang inilantad ninyo sa lahat.

“Let’s put this in the proper perspective. Just because you were in EDSA in 1986 and wrote a song for it does not make you an authority of People Power.

“Ang Pilipino ang People Power. Kayong mga dilaw ang umagaw nito sa mga tao para makinabang at mamunini.

“Kayo ang nagnakaw ng EDSA sa tao. You ruined EDSA. Kayo ang bumaboy sa People Power, na kitang-kita sa ginawa mo.

“You do not embody the Filipino’s dreams, aspirations and ideals. In fact, ikaw ang bala­kid para makamit ng mga Pilipino ang mga hangarin at aspirasyon. Hindi ka nakakatulong.

“You simply cannot accept that you are no longer relevant; that you can no longer fool the Filipino.

“Umalis ka na lang at makisalamuha sa mga Kangaroo. Pero baka pati mga Kangaroo, sipain ka rin dahil sa sama ng ugali mo.”

Facebook ni Jinggoy, suspendido

Wala pa kaming nakuhang reaksyon mula kay Sen. Jinggoy Estrada.

Napag-alamang sinuspendi ang Facebook account niya.

Maaring may nag-report sa kanyang account pagkatapos nitong maglabas ng kanyang saloobin sa pagkakulong kay Sen. Leila De Lima.

***

Nabalitaan naming may kahigpitan ngayon sa Custodial Center ng Camp Crame.

Mas mahigpit daw sa mga dumadalaw sa kakukulong lang na si Sen. De Lima. Tila nadamay na rin ang mga dumadalaw kina Sen. Bong at Sen. Jinggoy.

Inihiwalay na raw ng pasukan papunta sa kinalalagyan ni Sen. De Lima at sa dalawang senador. Magkalayo raw sila at malabong magkatagpo-tagpo sila roon.

Meron pang ibang nakakakulong doon na medyo malapit daw sa kuwarto ni De Lima.

Karamihan sa kanila ay mga pulis na mismong ang senador at dating Justice Secretary ang nagpakulong sa kanila.

Kaya tuwang-tuwa raw sila ngayong magkapit-detention cell na sila.

Isa pang nasagap namin ay nakatanggap daw si Sen. De Lima ng tsokolate mula sa isa sa mga ipinakulong niya roon.

Malamang na nabagbag daw si De Lima sa mensaheng kalakip sa tsokolate na tipong, “Walang imposible sa Diyos at patuloy ka lang kumapit sa Kanya.”

Ayaw na raw ipasabi ng taong ito kung kanino nanggaling pero nakalagay raw ang initials ng kanyang pangalan sa ipinadalang tsokolate.

44 Responses

  1. kung talagang gusto niyo ng pagbabago para sa kaginhawaan ng bawat Pilipino, kayo lalu mga diehard sa pangulo, isipin niyo rin mga mali ng kasalukuyan gobyerno at isigaw kay Digong ang mali, hindi lahat nakikita niyo tama maski mali. ok lang sa inyo pinalaya si GMA mga bata ni GMA nasa likod lahat ni D30, si napoles malapit na yan yan 2 artista na yan amf mga magnanakaw yan nakikidu30 yan sunod lalabas na yan pero tyak ok pa din sa inyo.

  2. yan problema nating mga pinoy walang pagkakaisa puro pansariling interes. lahat gusto tama sila at walang bigayan. kontra dito kontra doon. dapat after ng mga paliwanagan magbigayan at umayon sa iisang desisyon. kaso walang ganun kya walang katapusang diskusyon na walang kwenta. tulad ngaun mga post natin puro kontrahan lahat magaling. hay pinoy nga nman.

  3. bakit nakisawsaw si bong at jinggoy?
    di ba nakabilanggo sila???

    pero mga idol, ingat lang sa raket. wag kasi masyadong ganed. kaya kami ni nog ingat lang sa mga kadeal

  4. Eh kung ganyan naman talaga ang makakaharap mauubos ang pasensya,kaya nga meron na silang luneta ,ala nman argumento basta andun lang nakatayo hehehe…..pero ayos parte ng demokrasya yan may nang aasar at may naasar…..

  5. Itong si Elizabeth gusto lang sumipsip nito ewan anu gustong posisyun nito sa Gobyerno!! Itong si Arnel baka may balak naman mag senador hahaha… Komo alam ninyo na maraming tanga na papanig at kakampi sa inyo ang tatapang ninyo!!!

  6. Bong ang Jinggoy, mabulok kayo dyan, tutal naman may facebook na kayo sa kulungan…hahaahaha…dyan na kayo tatanda at mamamatay sa kulungan…hahaaahaa…Mandarambong…kahit anong sabihin ninyong dalawa..mabuti man o masama…hindi ninyo mabibilog ang isipan ng lahing Filipino, dahil tatak mandarambong kayong dalawa….

  7. Yan ang prisoner na may facebook…hahhahhaha…Panday, bakit hindi mo nalang pagtuunan ang kasalanan mo sa bayan….kunwari ka pang may malasakit sa bayan at sa mga kabataan, yong salaping ninakaw mo, hindi ba ninakawan mo rin ng kinabukasan ang mga kabataang yan, na sanay inilaan nalang sa kanilang edukasyon, ang laking salapi nyan para makatulong sa mga kabataan para makamit nila ang hangarin nilang makapag-tapos ng pag-aaral…isa ka sa sumira ng kanilang kinabukasan…at sa dalawang sip-sip…na parehas laos na…hwag mayabang….dahil hindi naman kayo ganoon kasikat…Ang mga sikat, umiiwas sa mga ganitong bagay yong may takot na makisawsaw sa takbo ng politika, dahil alam nilang maaring maka-apekto sa kanilang kasikatan, ngunit ang mga laos, lahat ng pwede nilang singitan, sisingit at sisingit libre nga naman sa publicity….Ang isang mayabang na kahit anong programa sa telebisyon, na kahit sa anong channel laging nasisibak…at ang isa na hindi naman biniyayaan ng karunungan sya pa ang lakas maghamon ng debate….hahaahaha…Tama lang naman ang ginawa ni Jim, dahil makikita naman na ang grupo ng kabila walang ginawa kundi kung paano manlilibak ng kabilang grupo, wala ang rally ni Poon sa Edsa, bakit kayo naroon, para maghasik ng kademonyohan…kilala naman kayong mga wala sa lugar kung bumanat….hahahaha

  8. Di nman sana magiging ganyan si Jim Paredes kung nagpakita naman sana ng kahit konting respeto itong mga binayaran ni bongbong marcos, kung di ba naman sila tanga at kalahati bakit duon sila nagrally sa grupo ng mga para sa EDSA rally hindi ba sila na inform na ang grupo nila ay nasa Luneta,.basta Dutertad Tanga!!!wahahahha

    1. Dun sa nangyaring insidente, sino ang nagpakita ng respeto yung mga bata o si Jim? Kung sakaling nandun yung mga bata ganun ba dapat sila tratuhin? Ganyan ba ang ugali na kailangan na matutunan ng mga kabataan? Na kapag hindi parehas ng paniniwala o prinsipyo ay pwede ng bastusin? God bless Jassim at sana hindi ganyan ang gawin mong pagpapalaki sa mga anak mo

      1. unang una mga bata ba sila? at diba sila na inform na sa Luneta ang rally nila?? oh talagang medyo may pagka engot lang sila? baka nga may isang naligaw ng dilawan sa luneta kinuyog pa nila…

      2. So meaning, reserve pala yung Edsa that time. And sana wag na lang nilang sabihin na we regain our “Democracy” because of Edsa 1 and this is the reason of the celebration. Wherein in reality there is no Democracy. If there is a true democracy, bakit ganun ang naging welcome dun sa mga youth. Jassim, hindi “Rally” ang sine-celebrate sa Edsa that time kundi Anniversary. And don’t be judgmental by assuming na kapag may dilawan sa Luneta ay baka kinuyog nila, you are assuming, hindi pa nangyayari may iniisip ka ng negative. Indeed, common sa mga tao, to justify that there are action or accusation is right. Peace be with you and God bless you

      3. Sabihin na natin na reserve yung edsa para sa rally na yun siguro naman alam mo na yearly sinecelebrate nila yung anniversary ng Edsa 1 and di naman sila makakagawa ng programa dun kung wala silang permit diba galing sa local government… Malinaw na talagang gusto lang nila mag papansin dun sa programa ng edsa anniversary,.. and Im sure na binayaran sila,. wag muna tanungin sa akin yung pruweba kasi wala ako maipapakita sa iyo pero sigurado ako!!hehe GOD bless you too…

      4. Sorry, hindi na sana ako magrereply pero may naalala akong Bible story based dun sa sinabi mo,”kaya sila nandun ay gusto nilang magpapansin”. If you still remember na si John the Baptist stand his belief in the midst of unbeliever. Tingin mo ba ginawa nya yun para magpapansin? Siempre ang sasabihin mo na may, inutusan siya ng Diyos at ito ang tama, pero may choice sya na sumuway sa Diyos tulad ng ginawa ni Adan at Eba kaya nagkasala. Dahil sumunod sya, papansin ba ang tawag sa kanya na tumayo at sabihin kung ano ang tingin nya na tama? Oooopps, wait lang, wag muna mag-react kasi ang gusto kong bigyan ng emphasize dito ay yung reaction nung mga nakarinig. Di ba, kahit offensive ang sinasabi ni John ay walang record sa Bible na hiniya sya ng mga tao. Totoo na pinagplanuhan sya para mapatay na yun ang nangyari. Ano ang gusto kong sabihin sa kwento na ito?,Na kahit yung mga unbeliever that time ay may natitirang tamang attitude kung paano mag-a-act o ihahandle kung may mga bagay na mae-encounter na offensive tulad nung incident na ito. Compare there action with Jim, should I say na mas evil ang thinking ni Jim compare sa mga tao nung panahon ni John the Baptist? Jassim, I hope na you take this story as comparison and not a criticism or offence. Mukha namang broad minded ka eh. God bless and peace be with you

      5. grabe ka talagang inihalintulad mo pa sila kay John d baptist (Supporters ni Marcos at Digong)?? alam ko naman maka Diyos ka,.tuloy tuloy lang pray mo kapatid at ganun din ako at in the end maliliwanagan din tayu!!! God bless you too and more peace be with you!!!

      6. Paano mae-earn ng mga bata ang respeto ni Jim eh hindi naman sila magkakilala. In this situation na hindi magkakilala ay tamang behavior ang dapat makita kung paano i-handle lalo na ang rude na taong tulad ng ginawa ni Jim. Earned respect kapag magkakilala na kaya otherwise, use the right manner tulad ng ipinakita ng mga youth.

  9. Arnell and Elizabeth…teach also those ‘kids’ not to cross the BORDER…know how to RESPECT an event if they wish to participate.

    will you be happy when someone trespass in your backyard and disturbed the momentous event?

    Are they NOT contented in LUNETA, that’s too spacious right…why they have to go to EDSA?

    To initiate conflict?…so they got what they are looking for. They DESERVED it.

    1. tama nga!! baka nga kung ang grupo ni Paredes pa ang pumunta sa Luneta baka binmugbog pa sila oh tinokhang na,..alam mo naman kung anu meron utak ang mga Dutertads!!hahaha

    2. cross the border? is there any border for such occasion? I just thought it is for ALL and he even invited everyone, isn’t? anyway, I understand Jim it is out of frustration :) coz obviously DU30 supporters out numbered their group.
      So Jim next time hold your temper and frustration it will show your true color :)

    3. Sa tingin mo sino ang nag initiate ng conflict? sino ba naghahamon? di nga sya pinatulan ng mga kabataan, tsaka kanya ba yung EDSA monument sa taong bayan yan walang may ari nyan.