Unang lumabas sa pahayagang ito ang pagbibitiw ng TV host/actor na si Arnell Ignacio sa kanyang posis­yon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Kinumpirma na nga niya mismo ang pagbibitiw niya bilang Deputy Administrator. Isang taon din ang itinagal niya matapos maluklok ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte nitong Enero lamang.

Ayon kay Arnell ay napagod na siya lalo na at hindi biro ang trabaho niya sa OWWA. Inamin niya na kailangan na niyang magtrabaho at kumita dahil hindi naman umano siya kumikita sa paninilbihan niya sa gobyerno.

Maging ang mga personal niyang buhay ay hindi niya matugunan dahil sa problema ng mga OFW sa OWWA.
Marami-rami na rin daw ang mga raket na tinanggihan niya. Maging ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ay tinanggihan niya dahil sa higpit ng schedule.

Ayon nga sa kanya ay kung balasubas lang siya na tao ay pinagkakitaan niya na ang posisyon niya sa OWWA. Subalit, hindi niya ginawa.

Sa darating na Marso 1 ay epektibo na ang kanyang resignation. ­