NI: RONALINE AVECILLA

Nag-donate ng $1 milyon ang American songwriter na si James Taylor sa Massachusetts General Hospital para masugpo ang COVID-19.

Maging ang aktor at dating gobernador ng California na si Arnold Schwarzenegger ay nagbigay rin ng donasyon para sa mga supply na kinakailangan ng doktor at mga scientist.

Mahigit isang milyong dolyar din ang dinonate ng action star sa Frontline Responders Fund.

Ani Arnold, “I never believed in sitting on the couch and complaining about how bad things are, I always believed we should all do our part to make things better. This is a simple way to protect our real action heroes on the frontlines in our hospitals, and I’m proud to be part of it.”

Hinihikayat din niya ang mga tao na sumunod sa kanyang yapak sa pag-aabot ng suporta sa mga bayaning frontliners.