Arnold Schwarzenegger nag-enjoy sa batang dyowa

Kasalukuyang ini-enjoy ni Arnold Schwarzenegger, 71 anyos, ang kanyang winter trip sa bansang kinalakhan sa Austria kung saan kasama niyang dumalo ang girlfriend na si Heather Milligan (43 years old) sa taunang Kitzbuehel’s Weisswurst Party. Bahagi ito ng pagdiriwang ng Hahnenkamm Race festivities. Nag-enjoy sila pareho sa iba’t ibang pakulo na nakalaan para sa mga panauhin. Masaya sila sa pakikipag-usap sa mga kapwa nilang pleasure seeker­ na dumalo sa okasyon.

Nagtungo rin sila sa labas suot ang kanilang mga panlamig panlaban sa makapal na snow para manood ng Super G Race.

Kapansin-pansin ang suot na asul na jacket na may fur-lined hood ni Heather habang si Arnold naman ay napakakisig ng dating sa suot niyang isang khaki trench at sumbrero.

Simula pa noong 2015 ay lumalabas na at idini-date ni Arnold ang physical therapist na si Heather. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang maganda nilang relasyon. Kung matatandaan, ang aktor ay nahiwalay sa kanyang asawang si Maria Shriver noong 2011. Nagkahiwalay sila ni Maria matapos niyang aminin sa dating asawa na nagkaroon siya ng isang anak na lalaki, si Joseph Baena, sa dati nilang kasambahay na nagngangalang Mildred Baena.

Samantala, aminado si Arnold na matagal na siyang tagahanga ng kanyang magiging manugang na lalaki, si Chris Pratt. Napabalita nito lamang pagpasok ng Enero na tinanggap na ng kanyang anak na ni Katherine Schwarzenegger ang alok na kasal ng Hollywood hunk kaya naman malapit nang maganap ang grandiosong kasalan ng dala­wa.

Actually, sobra-sobra ang kaligayahan ng action star na si Arnold na hindi mo iisiping sa stature niya bilang isang biga­ting action star ay magiging fan at mai-starstruck sa kanyang magiging manugang.

“Congrats on the monster openingweekend, @prattprattpratt. You deserve it,” tweet ni Arnold para kay Chris noong Jurassic World debut in 2015. Ang tinutukoy ni Arnold ay ang box-office na Jurassic World’s na kumita ng $208million sa North America noong unang araw na ipinalabas sa mga sinehan.

Nagsimula ang paghanga ni Arnold para sa kanyang magiging manugang sa The Late Late Show With James Corden kung saan may ipinakita doong larawan ni Chris Pratt na may pirma niya. Ang ginawa ng Parks And Recreation star ay pumirma rin siya ng pangalan niya kasunod ng Austrian-born strongman’s signature – kaya naman masasabing mukha ngang na-starstruck siya sa kanyang magiging manugang.

“I’m right next to friggin’ CHRIS PRATT,” pagmamalaki pa ng dating kampeon ng bodybuilder.