Gabbi Garcia
Gabbi Garcia

DENY PA MORE si Ruru Madrid na break na sila ni Gabbi Garcia.

“Kami naman ni Gab, talagang magkaibigan lang po kami. Alam n’yo naman po ‘yun, eh.

“Siguro, mas ­marami pa kaming priorities sa buhay,” bulalas ng ­Kapuso heartthrob.

Anyare sa kanila ni Gabbi?

“Wala po. Lagi ­naman kaming magkausap. ­Hindi lang kami masyadong nakakalabas na kaming dalawa lang dahil busy rin po.

“Halos everyday po kasi ang taping ng ­Encantadia, eh.”

Bakit ang balita, doon pa lang sa debut ni ­Gabbi last December ay hindi na okey silang dalawa?

“Ang sweet nga namin du’n, eh. Ha! Ha! Ha! Nagsalita pa nga po ako nu’n, eh. Wala pong hiwalayan na nagaganap,” napapangiting pakli ng 19-anyos na binata.

Eh wala rin silang inamin na sila na, ‘di ba?

“‘Yun na nga po, paano kami magbi-break? Ha! Ha! Ha!”

Naku, eh marami namang ganu’n, ‘no! Hindi pa umaamin, pero nag-break na pala.

“Hindi nga po, pramis po. Hindi po talaga kami. Kung kami talaga, ipaglalantaran ko sa lahat ng mga nilalang. Ha! Ha! Ha!

“Syempre, magiging proud ako kunwari, naging girlfriend ko na si Gab, ‘di ba? Proud naman talaga.”

May isyu pa na masakit magsalita si Gabbi ‘pag nag-away sila. True ba ‘yon?

“Hindi po. Si Gab kasi, ano siya eh, tahimik na tao.”

Eh bakit may tsika na verbally abused ­boyfriend siya?

“Hindi po. At saka lalaki po ako, papayag po ba ako na ganu’nin ako ng babae?”

So, hindi totoo ‘yung mga isyu about Gabbi?

“Sobrang hindi po. Si Gab, may pinag-aralan po ‘yon. Sobrang ­imposible po.

“Kaya nga ang ­pinagtataka ko, lagi siyang naiisyu na gano’n. Sabi ko, imposible. Kahit naman tanu­ngin n’yo ‘yung ibang ­artista kung ganu’n ba ­talaga, hindi naman po.

“Hindi po talaga. As in hindi ako biased.”

***

Ruru at Arra
Ruru at Arra

May bagong nila-loveteam kay Ruru sa Enca na first time naming na-meet sa taping nila sa Makati.

In fairness, gandarabels at fresh ang beauty ni Arra San Agustin na gumaganap bilang Ariana (na reincarnation ng ­Amihan karakter ni Kylie Padilla).

“Sobra!” pagsang-ayon ni Ruru na gumaganap nilang Ybarro/Ybrahim.

For sure, matataypan niya si Arra.

“Si Arra po, hindi siya mahirap magustuhan. Arra’s gorgeous! Ha! Ha! Ha!”

Wow! Kung sila pa ni Gabbi, malamang ­hindi niya sasabihin ‘yon.

“Hindi naman po. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Maganda po talaga si Arra. Naalala ko kasi, dati ko pa siya nakatrabaho sa isang ­episode ng Karelasyon. Kaya lang, sobrang saglit lang nu’ng role niya.

“Doon pa lang, nagandahan na ako sa kanya. Tapos, nu’ng nalaman kong papasok siya sa Encantadia, in-stalk ko muna siya (sa social media).

“Kasi, ipi-pair daw sa akin, eh. sabi ko, ‘Puwede, ang ganda!’ Ha! Ha! Ha!”

So, ibig sabihin ay wala na ­siyang gusto kay Gabbi kaya natataypan na niya si Arra?

“Hindi naman po. Siyempre, ipi-pair daw po sa akin, so parang na-curious lang ako kung sino.

“Tapos, nu’ng nakita ko siya, may eksena kaming dalawa na ­parang audition niya ‘yun, eh…

“Habang tinititigan ko siya, parang lalo siyang gumaganda. Hindi siya ‘yung tipong gaya ng iba na unang tingin maganda pero habang tumatagal, nawawala.

“Si Arra, ‘pag tinitigan mo siya, maganda siya pero habang tumatagal, lalong gumaganda.”

Ganern? So, may tumitibok-tibok na agad?!

“Hindi naman po. Kumbaga, mabait po si Arra, eh. Parang feeling ko, better na talagang magkaibigan. Ha! Ha! Ha!

“Hindi, ako naman, hindi po natin masasabi kung ano po ‘yung iaadya ng tadhana, ‘di ba?

“Sa akin po, masaya ako na si Arra ‘yung katrabaho ko.”

Pero posible siyang mainlab kay Arra?

“Why not, ‘di ba? Sa akin naman po kasi, naniniwala ako sa destiny.

“Kung kami po ‘yung nakatadhana sa isa’t isa, eh ‘di kami po,” sambit ni Ruru, na nag-iba na ang tono samantalang dati ay parang si Gabbi lang ang nag-iisang babae sa mundo.

3 Responses