Pansamantalang sinus­pinde ng Angeles City Municipal Trial Court at Angeles City Regional Trial Court ang nakatakdang arraignment sa kasong kinakaharap ng aktor na si Mark Anthony Fernandez na inaresto matapos mahulihan ng isang kilo ng marijuana sa Angeles City, Pampanga.

Ang suspensyon ay bunsod ng inihaing mos­yon ng kampo ng aktor na humihirit na magkaroon ng re-investigation sa kaso.

Unang itinakda sana kahapon ng Angeles City Municipal Trial Court Branch 1 ang pagbasa ng sakdal sa kasong civil disobedience laban kay Fernandez dahil sa tangkang pagtakas habang inaaresto at sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act ng Angeles City Regional Trial Court Branch 60.

Kasabay ding inihirit ng kampo ni Fernandez na mailipat ito sa Pampanga Provincial Jail sa kadahilanang masikip ang kasalukuyang pinaglagakan nitong selda sa Angeles City Police Station 6 dahil sa pagkakakumpiska ng isang kilo ng marijuana.

Nang isailalim ito sa drug test ay lumabas na positibo ang aktor sa paggamit ng marijuana at negatibo naman sa shabu.

Una nang inirekomenda ng piskalya na dahil sa malaking bilang ng marijuana na nakuha sa aktor ay hindi ito binigyan ng pagkakataong makapag­lagak ng piyansa.

One Response

  1. Bakit? kapag nakatsinelas ang mga nahuli, kung di bilibid ay tigok kaagad..Alma, senyales na iyan na lagay lang ang kailangan para makalaya ang anak mo..di kaya? he he he he