Dahil sa kanyang ma­tinding panalo sa naka­raang Kentucky ­Derby, pumasok sa pang-­anim na puwesto sa overall ­standings si Always Dreaming sa ikatlong edisyon ng Longines World’s Best Racehorse Rankings.

May rating na 122 ang anak ni Bodemeister dahil sa panalo sa Run For the Roses, ang unang leg ng US Triple Crown. Ito ang ikaapat na sunod niyang panalo matapos ang impresibong panalo sa Florida Derby.

Sinundan lang niya ang bumandera sa Kentucky Derby bago ito nagpakawala ng pambihirang lakas para kunin ang unahan at manalo pa ng may 2-3/4 na layo sa kanyang mga nakalaban. Susunod siyang sasali sa Preakness Stakes sa Mayo 20 sa Pimlico Racecourse.

Nasa ibabaw pa rin ng standings ang 2016 Horse of the Year na si Arrogate na may ­rating na 134 dahil sa mga panalo niya sa Pegasus World Cup ­Invitational  at sa Dubai World Cup. Ito ay pag-aari ng Judmonte Farms Inc. at kasalukuyang nasa pa­ngangalaga ng pamosong si Bob Baffert.

Ang listahang ito ay para sa magagaling na 3-year-olds sa buong mundo na tumakbo sa mga karera mula Ene­ro 1 hanggang ika-pito ng Mayo. Ang susunod na edisyon ay ilalabas sa Hunyo 8.

Nasa pangalawang puwesto ang pambato ng Australia na si Winx na merong ratings na 132.  Ito ay pag-aari ng ­Magic Bloodstock ­Racing at itini-train ni Chris Waller.

Tie sa ikatlong puwesto ang dalawang kabayo mula sa Great Britain na sina Hartnell ng Godolphin at Jack Hobbs ng Godolphin & Partners at American runner na si Gun Runner ng Winchell Thoroughbreds & Three Chiney’s Farm.

Ka-tie ni Always sa pang-anim si Chautauqua ng Australia, solong pang-walo si Kitasan Black ni Ono Shoji ng Japan.

Lima ang magkaka-tie sa pangsiyam na puwesto: Churchill at Hershem ng Ireland, Jameka at Mr. Stunning ng Australia, at Legal Eagle ng South Africa.