Arroyo kay Alvarez: Hindi ako interesado maging Speaker

arrested-alvarez

Makampante na kaya ngayon si House Spea­ker Alvarez matapos na kumpirmahin mismo ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo na hindi ito interesadong ma­ging lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso?

Sa birthday party nitong Huwebes ng gabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na handog ni Marinduque Cong. Lord Allan Jay Velasco na ginanap sa Sofitel Hotel ay nabanggit umano ni Arroyo ang kawalan ng interes maging Speaker.

Nabanggit din ni Velasco sa ilang pana­yam na biniro ni Duterte si Alvarez na tila matamlay nang magtalumpati ito.

Binanggit pa umano ni Duterte na nagkausap na sila ni Arroyo at nagpahayag ito ng kawalang intensyong maging pinuno ng Kamara.

Nauna ng napabalita na napipisil si Arroyo na maging kapalit ni Alvarez matapos nitong makainitan si Davao City Mayor Sara Duterte.

Sa panig naman ni Velasco, naniniwala siyang tiwala na si Alvarez na walang nagpaplanong patalsikin ito sa puwesto.