Pinayuhan ng isang dating artista ang kanyang mga kasamahan sa showbiz industry na nasasangkot sa illegal drugs na magbago na habang may panahon pa.

Ginawa ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang nasabing payo matapos lumabas sa mga ulat na mayroong 50 showbiz personalities ang kabilang umano sa listahan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

“This is an alarming number. Sana magbagong buhay na ang lahat ng mga involved sa drugs, hindi lang ang mga artista kundi lahat ng mamamayan na may kinalaman dito habang may oras pa,” ani Vargas.

Sinabi ng kongresista na seryoso si Pangulong Duterte na sugpuin ang iligal na droga sa bansa kaya marapat lamang na itigil na ang pakikipagsapalaran ng mga taong sangkot sa iligal na droga kasama na ang mga artista.

Walang ideya si Vargas kung sinu-sinong mga artista ang sangkot sa iligal na droga tulad ng paggamit at pagbebenta.

“Huwag sana nilang sayangin ang maganda nilang future sa entertainment industry nang dahil lang sa droga,” ayon pa sa mambabatas.

6 Responses

  1. GAGO!!!! KUNG SA PULIS MAKIKIPAGBARILAN MAPAPATAY, PERO KUNG SUSUKO HINDI MAPAPATAY ….TANGA KA BA MAHIRAP BA UMINTINDI TALAGA ANG MGA BANGAG SA DRUGS…..HAHAHAH

    1. di mo ba nababalitaan. nauna na ung mga kapatid ng artistang adik, pusher namatay na. mas maganda cgru supot, mag bagong buhay ka na. patuli ka na para nmn may kinabukasan ka pa sa pag aadik mo.