SI Noel Ferrer (miyembro ng MMFF 2017 Executive Committee) ang nakausap ni Arnell Ignacio para ipaliwanag sa kanya kung ano ang gagawin niya kung sakaling tanggapin niya ang maging miyembro ng Exe­Com ng December filmfest.

Nag-decide si Arnell na tanggapin ito dahil mala­ki ang utang na loob niya sa movie industry, at kahit paano, meron siyang maitutulong kung sakali.

Itinext sa amin ni Arnell ang kanyang acceptance message:

“I am profoundly thankful and honored to be chosen as one of the members of the executive committee of the Metro Manila Film Festival.

“I welcome this opportunity to share my humble talent and know­ledge to the industry I have known most of my life, and have much to say thank you to.

“As I sentimentally look back to the years of hosting the MMFF’s glorious parade of stars in the past, I embrace this August task as an invigorating challenge and at the same time as a heart-filled homecoming.

“In other words, Push mo na!

“Keri ko ‘yan! Go!

“Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!”

***

Nang nakausap namin ang AVP on Community Relations and Services ng PAGCOR, sinabi niyang aware siya sa problema sa Execom ng MMFF at tingin niya, meron siyang maitutulong kahit paano.

“Hopefully, ang munting natutunan ko sa gobyerno sa isang taon, magamit ko mabuti dito para magkaroon ng complementing relationship ‘yung arts at saka ‘yung sustaining power of business. Kasi, hindi natin siya puwedeng paghiwalayin, eh.

“Syempre, maganda pakinggan ‘yun ay artistic. Siyempre, pumapalakpak tayo, pero we have to realize that it is a business.

“Pangarap ko na mahanap natin ‘yung sensitive balance na hindi sila magsasapawan kundi magtutulungan — business and arts.

“Kasi, hindi mo tala­ga puwedeng ihiwalay ang business eh.

“Probably, we cannot achieve it in this timeframe. Basta let’s just be consistent and hopefully makatulong ‘yung pagpapaliwanag, at ng sharing ng knowledge na mae-emerge natin ‘yun,” saad ni Arnell.

***

Naging isyu ang pagpili sa apat na mainstream films na pasok sa Magic 8 ng MMFF 2017.

“Ang appeal ko na lang sana, since meron ka nang ganitong power to draw the crowds and to earn, gandahan ‘nyo na talaga.

“After all, sino ba ang panalo kapag magandang-maganda na ‘yung pelikula mo? Sila rin and the movie going public.

“It’s a win-win situation, but of course I cannot agree na basta tanggalin mo na lang sila. Kasi, unfair din naman du’n sa mga fans nila.

“Tapos, ‘yung mga artistic films sana, i-translate naman nila sa season naman ng… kasi, Christmas eh.

“Alangan naman magpalabas ka naman ng patayan at ano… ng hiwaan ng bituka sa ano sa Pasko.

“Kumbaga, let’s find the critical balance between the arts and business.

“Puwede naman ‘yan magkasundo, eh. Puwede silang mag-asawa, business and arts. Huwag lang sila magtalbugan kung sino ang mas importante.

“Both of them are important,” dagdag na pahayag ni Arnell.