Asawa nanonood ng porn

Dear Dra. Holmes:

Good afternoon Dra.Holmes. Gusto ko lang po sana itanong kung normal ba na nanonood ng porn ang lalaki kahit may asawa na? Madalas po kasi ‘pag nanonood siya ay nagsasarili na lang siya instead of having sex with me.

Loreta

Dear Loreta:

Maraming salamat sa sulat mo. Hindi ko alam kung napansin mo, pero ang kolum ko sa Abante noong Miyekoles, Oktub­re 9, ay tungkol sa isang bata (16 years old) na nagtatanong kung OK lang na manood siya ng porn. Sa ganitong edad kadalasan OK na OK ito dahil wala silang ibang sinasaktan at kadalasan, ang panonood ng porn ay dahil mausisa lamang sila o gusto nilang ma­tutong makipagtalik nang maayos, Sa katotohanan lang, may mas magandang leksyon sa sex na magagamit ma­liban sa porn, pero para sa ngayon, marami pa ring mga bata ang na­tututo tungkol sa sex sa pamamagitan ng porn.
Ang iyong sitwas­yon naman ay ibang-iba. Kung tinatanong mo sa akin kung normal bang manood ng porn ang isang may asawa na, ang sagot ko ay oo. Pero dinugtong mo ito ng “nagsasarilin na lang siya instead of haing sex with me.” Ibang kaso na ‘yan, Loreta, at kaila­ngang mapag-aralan ng mas malalim. Sino ang nag-umpisang ayaw ng sex sa inyong dalawa? Gaano ka­tagal na itong nangyayari? Mayroon bang third party involved? Kahit kailan ba ay pinagtalunan ninyo ang sex (pinag-awayan ang sex)? Gusto mo bang makipag-sex sa asawa mo? Baka nag-aalala ka lang dahil sa iyo hindi natural ang kaniyang ginagawa, pero wala ka ring balak makipagsi­ping sa kaniya.
Ang mga sagot mo sa mga tanong sa itaas (at marami pang iba) ay makaka­tulong para sagutin ko ang iyong problema. ‘Pag handa ka na sana sulatan mo ulit ako, OK, dearest Loreta? Para sa ngayon, ingat—MG Holmes

***

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes at sa TONITE tuwing Sabado at Linggo. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes.