Asawa ni Sunshine, aaminin ang agenda nila ni Clarisma

Sunshine Dizon

MUKHANG may bagong pasabog na naman itong kuwento ng demandahan ni Sunshine Dizon at ng asawa niyang si Timothy Tan, pati ang itinuturong babae ng huli na si Clarisma Sison.

Nakausap namin si Timothy kamakalawa nang gabi at sinabi niyang magpapatawag siya ng presscon isa sa mga araw na ito.

Hindi pa tiyak kung ngayong araw dahil magkakaroon uli ng hearing bukas.
Sabi ni Timothy, kailangan na raw niyang magsalita para ilahad ang katotohanan.

Ano kaya ang katotohanang tinutukoy niya?

Isa raw sa mga sasabihin niya ay kung ano talaga namamagitan sa kanila ni Clarisma.

Isa sa isisiwalat ni Timothy ay ang tungkol sa mga out of the country trips nila ni Clarisma.

Kung ano raw ang agenda ng mga biyaheng iyun, sasabihin ng asawa ni Sunshine.

“Ang gusto ko lang naman po na ipaalam na sa lahat ang buong pangyayari,” pakli ni Timothy.

Wala munang ibinigay si Timothy na ideya kung ano ang mga sasabihin niya at kung ano ang pakay nito.

Kasama ni Timothy ang mga legal counsels niyang sina Atty. Ruth Castelo at Atty. Peter Sanchez.