
Nagharap na ang mga ASEAN Foreign Ministers at mga counterparts sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City bilang pagpapatuloy ng ASEAN 50th Foreign Ministerial Meeting.
Pinangunahan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Cayetano ang pagtitipon na siyang chairman ng ASEAN-Australia Ministerial Meeting.
Kabilang sa mga dumating na kinatawan ng mga bansang kasama sa ASEAN Ministerial Meeting ay si US Secretary Rex Tillerson na nagkaroon ng bilateral talk kay Korean Foreign Minister Kang Kyung-Wha.
Bago ang pulong ay dinalaw ni Tillerson ang Mana American Cemetery bilang pagpupugay sa mga namatay na American soldiers sa bansa.
Muli namang nagpahayag ng tiwala ang Malacañang sa inilatag na seguridad para sa kapakanan ng Foreign Ministers, mga delegado at local at foreign media na dumadalo sa pulong.
Matatandaang tiniyak ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na malaki ang pakinabang ng sambayanan sa ASEAN meeting dahil maliban sa naipapakita ang magagandang lugar at katangian ng bansa ay may hatid ding kapakinabangan ang mga isyu at polisiya na mapagkakasunduan ng mga Foreign Ministers.