ASEAN nag-sorry sa baligtad na bandila

Humingi ng paumamhin sa Sambayanang Pi­lipino ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) dahil sa paggamit ng baligtad na watawat ng Pilipinas sa kanilang Independence Day gree­ting kamakalawa.

Nabatid na sa Facebook post noong Miyerkoles ng ASEAN na makikita ang apat na tao na hawak ang watawat ng Pilipinas na ang nasa itaas ay ang kulay pula sa halip na kulay asul.

Ang pagtaas ng kulay pulang kulay ay nagsisimbulo sa giyera.

Kaagad naman na-delete ang post matapos makatanggap ng pagpuna.

“We apologize for the mistake in the previous picture. Your kind feedbacks are highly apprecia­ted,” ayon sa ASEAN.

Noong 2016, nagkaroon na rin ng katulad na Facebook post pero sinabing hindi umano ito sinasadya. (Juliet de Loza-Cudia)