ASEAN Para Games ililipat sa Thailand

Kinanseala sa ikatlong pagkakataon ang 10th ASEAN Para Games (APG) 2020 at itinakda Oktubre 3-9 dahil sa global pandemic na coronavirus disease o COVID-19.

Posible naman na tuluyang ilipat na lang ang pagsasagawa ng 10-nation sportsfest sa Thailand, na kaunti lang ang mga naiulat na kaso sa corona virus kung patuloy na lalala ang sitwasyon ng virus sa bansa.

Tuluyang nagdesisyon ang ASEAN Para Sports Federation (APSF) Board of Governors (BoG) sa emergency meeting via video conference upang pagusapan ang estado ng paligsahan na isasagawa sana sa Pilipinas noong Enero.

Sumang-ayon din ang Board na muling magdaos ng isang pulong sa huling araw ng Hulyo upang alamin ang situwasyon sa virus bago kumpirmahin at ipagpatuloy an pagtatalaga ng bagong petsa ng games sang-ayon kay APSF secretary Thai Major General Osoth Bhavilai.

“The dates serve as the new target dates for the APG to help the Philippines Asean Para Games Organising Committee (Philapgoc) with the necessary arrangement and preparation.

The dates was agreed with conditions that the Covid-19 pandemic is put under control and no longer a threat to human,” aniya. (Lito Oredo)