ASF infected na mga baboy sa Cagayan kakatayin

Babae kinain ng mga alagang baboy

Nasa siyam na barangay sa Solana Cagayan na apektado ng African Swine Fever (ASF) ang isasailalim sa pagkatay ng mga alagang baboy para hindi na kumalat pa ang sakit.

Ayon kay Dr. Noli Buen, acting veterinarian ng pamahalaang lokal ng Cagayan, agad silang gumawa ng aksyon matapos makumpirma sa pagsusuri mula sa blood sample ng baboy doon na positibo ito sa ASF.

Aniya, siyam na barangay sa Solana ang apektado ng ASF na kinabibilangan ng Bauan East, Andarayan South, Andarayan North, Bantay, Ubong, Bangag, Sampaguita, Lanna at Pataya.

Ayon sa opisyal, bukod sa mga checkpoint ay isinama na rin ang mga Marine na magbabantay sa mga ilog na posibleng gamitin para ibiyahe ang mga alagang baboy.

Sabi ni Buen, kailangang gawin ito para matiyak na walang makalalabas at makapapasok na baboy at mga pork product sa Solana habang apektado pa ito ng ASF. (Allan Bergonia)