Isa sa dalawang kasapi ng Abu Sayyaf na nang hostage ng dalawa katao ang napatay sa isang engkuwentro sa Barangay Kahayag sa Calape, Bohol, base sa report ng militar kahapon.
Kinilala lamang sa alyas na ‘Asia’ ang napatay na ASG member, ayon kay Lt. Col. Joel Malig, ng 47th Infantry Battalion.
Ayon kay Malig, patuloy pa rin nilang pinaghahanap ang isa pang kasama nito na alyas ‘Ubayda’.
Isinagawa ang operasyon laban sa mga bandido matapos nilang i-hostage ang isang lolo na si Baludo Tuloy at ang batang apo nito.
Napag-alaman na ang dalawang nang hostage ay kabilang sa 11-man Abu Sayyaf group na umatake sa Inabanga, Bohol noong Abril.